"Hindi maaaring mapaslang ako sa lugar na ito at mas lalong di ako maaaring manatili ng matagal rito." Sambit ng binatang lalaking si Van Grego habang mabilis siyang gumapang papunta sa kaniyang sariling bagong sandatang gawa na walang iba kundi ang Forging Hammer na pagmamay-ari niya. Kahit nahihirapang gumapang o kumilos ang binatang lalaking si Van Grego ay mabilis pa ron siyang gumapang upang marating lamang ang kinaroroonan ng kaniyang sariling sandata na Forging Hammer. Mabilis niyang hinawakan ang malaking hugis martilyong gawa sa metal bones ng isang hindi pa kilalang halimaw. Kasabay ng paghawak niya rito ay tila isang kakaiabng liwanag ang sumakop dito. Ang dugong tila naging blood pact niya sa forging hammer ay nilamon ito ng sandata kasabay nito ay naramdaman ng binatang lal

