Patuloy na binaybay ng binatang si Van Grego ang direksyong gusto niyang puntahan. Masasabing walang kasiguraduhan ang kaniyang gagawing ito. Ito kasi ang maaaring puntahan niya lalo pa't hindi siya maaaring maging kampante lamang lalo na at nasa delikadong sitwasyon siya. Lingid sa kaalaman niya ay biglang gumalaw ang tila pulseras na nilalang sa kamay niya. Kasabay nito ay parang nagising ito at mabilis itong tumalon paalis sa kamay ng binatang si Van Grego. Kasabay nito ay naglabas ng kakaibang awra ang buong katawan ng binatang si Van Grego na hindi niya sinasadya na siyang mabilis na ikinaalerto ng mga dambuhalang mga nilalang sa buong kapaligiran. Nakita na lamang ng binatang si Van Grego na unti-unting pagiging transparent ng kamay niya hanggang sa pati ang buong katawan niya a

