"Paanong nagawa iyon ng binatang si Van Grego? Paano niya naactivate ang lason sa loob ng katawan ko? What exactly this strange poison is?!" Naguguluhang sambit ng magandang dalagang si Prinsesa Nova Celestine kung saan ay makikita ang ibayong kilabot sa kaniyang natuklasan. Hindi niya naman kasi maaaring pagbintangan ng kung ano mang masamang bagay ang binatang lalaking si Van Grego lalo na kung paano ito naactivate ang lason upang makita nila. Hindi naman iyon ilusyon lamang at kitang-kita niya kung gaano kabagsik ang gahiblang kulay berdeng likidong dumadaloy sa loob ng katawan ng tagapagbantay niyang si Rain. Sa huli ay pinakalma niya ang kaniyang sarili at malungkot siyang napangiti. "Kahit mamatay man ako ay hindi ko naman maatim na hindi ako makahingi ng tawad kay Van Grego. Ang

