Chapter 7

2023 Words

"Hmmmp! Sinuwerte ka lang halimaw! Napakahina? Sabihin mo yan sa sarili mo!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kalmadong boses. Hindi niya hahayaang maaapi lamang siya ng mga salita nito. Sino ba naman kasi ang magsasabi ng sariling kasalanan nito o maski ang salitang swerte o malas. Halos napanting naman ang tenga ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolves. Tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabing ito ng binatang mula sa lahi ng tao. "Tsk! Hindi ko aakalaing mayroong isang mahinang nilalang ang naglalapastangan sa sarili naming teritoryo. Hindi ko maipagkakailang may lakas at abilidad kang nagpamangha sa akin ngunit ang iyong talento o kakayahan ay hindi ganoon kalakas o kaideal para sa katulad namin. Hindi ko aakalain kung saan ka humuhugot ng lakas na laitin kami. Itong sayo!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD