If there is one thing Aspen absolutely abhor, it is dying in the hands of a hunter. Minsan naisip niya noon na kung mapapatay rin lang naman siya ng mga ito, mas makabubuti pang siya na mismo ang tumapos sa sariling buhay. She's going to kill herself before she lands on a hunter's hand. Ngunit ngayon na kaharap niya ang apat na hunter na ito ay wala siyang nasa isip kundi tapusin sila. She's a monster. These lowlives should fear her! Dudurugin niya ang mga ito at ipaghihiganti ang ginawa nila kay Verena. Tapos na ang ilang taon ng pagtakbo at pagtatago. Panahon na para pagbayaran ng mga hunter ang ginawa ng mga ito sa kanya. Ito na ang simula. There's no way she's gonna die tonight. Bihasa sa martial arts at sa paggamit ng mga armas si Aspen. Matapos mamatay ni Verena ay isinumpa niyang

