5 Months Later Kanina pa humihilab ang aking tiyan habang nasa garden kami ng aming bagong bahay. Lumipat na kami sa isang malaking bahay na binili ng aking daddies para sa bubuoin naming pamilya. Dito namin sine-celebrate ang birthday party ni Carissa who just turned four years old. It’s a kids party kaya maraming bata na friends niya sa kanilang pre-school at classmate na rin. Syempre hindi mawawala si Liam kasama ang kanyang pet dog at si Jaeda na itinalaga na ang sarili na Ninang ng aking baby. Kasama din niya ang kanyang guardian na kausap ngayon ni Kloss. Ang mga bata ay naglalaro sa inflatable playground na binili ni Jibi, he went all out with his daughter’s party at magagamit din namin daw ito pag nag-birthday na din ang aming baby na nasa tiyan ko. He’s a boy by the way, medyo na

