Hindi naman kasama si Carissa ngayon dahil hinatid siya kahapon ni Jibi sa kanyang grandparents, para naman makasama nila ito ngayong bakasyon. Nakausap na rin niya ang mga in laws niya at hindi naman daw nagparamdam o nakipagkita sa kanila ang anak nila na si Figlia. Hindi talaga ako makapaniwala na nakilala ko siya at doon ko napatunayan na hindi matiis ng isang ina ang kanyang anak. Siguro masakit sa kanya na hindi malapitan ang kanyang anak at makasama ito pero ito na ismo ang nagsabi na gusto niya lang makita si Carissa one last time. Baka may sarili na rin siyang pamilya at meron na rn sariling anak sa bago niyang pamilya. I don’t know dahil wala din naman nababanggit si Jibi. Pero ngayon, naka-move on na ako rito at ang mga tao na lang na parte sa buhay ko at importante sa akin ang

