Agad na tumakbo sa akin si Carissa nang dumating na sila sa penthouse. Niyakap ko naman siya, pinanggigilan kong halikan ang kayang pisngi at cute naman siyang napahagikgik. Lumapit naman sa amin si Jibi na nakangiti at ginawaran ko siya ng halik sa kanyang labi. Narinig namin ang tukso ng bata kaya kinuha siya ni Jibi at kiniliti sanhi ng malakas nitong pagtawa. Lumapit si Kloss na kinarga siya at hinalikan rin sa kanyang pisngi. Excited na siyang makipaglaro sa akin at manood na naman daw kami ng Moana. Pumayag naman ako kahit paulit-ulit pa naming panoorin ang movie na ‘yon, okay lang sa akin. Saglit kong nakalimutan na pupunta din pala ang mga groupmates ko kaya bahagya akong nagulat nang sinabi ng guards sa ibaba na nandito sila. Hinatid sila ng guard sa penthouse at sinalubong ko sil

