CLYDE'S POV Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay umakyat ako papunta sa kwarto ni Sam. Anong gagawin ko? Syempre mag-goodnight. Bubuksan ko na sana ang pinto pero narinig kong may kausap si Sam sa phone niya. Sino pa nga ba? Edi yung makulit na Thunder. Umalis na lang ako at pumunta sa room ko downstairs. Hayst! Kainis! Tapos may lakad pa sila bukas, at hindi na naman ako papayag. I have an idea. Bukas magvi-visit kami sa parents ni Sam at kailangan niyang mag-sorry sa nagawa niya sa dad niya last time—para hindi na matuloy ang lakad nila ni Thunder. Nice idea, right? Maaga akong nagising at ako ngayon ang nagluluto ng breakfast para hindi sumama ang loob ni Sam sa’kin. Habang nagluluto, nakita kong pababa na si Sam kaya agad ko siyang binati. “Good morning! How’s your sleep? Na

