Jethro Tyler POV
Walang humpay na sigawan at tiliian. Minsan ay may nahihimatay pa nga sa tuwing makikita kami ng aming mga tagahanga. Sanay na ako sa ganitong eksena. Halos lahat ng nakakakita sa akin ay damang-dama ko ang kasabikan sa kanilang mga puso.
Sobrang ligaya ko kapag alam kong minamahal ako ng mga Soldiers. Yung tipong mas mahal daw nila ako kaysa sa mga buhay nila. Alam kong kabaliwan iyon pero kung doon sila maligaya ay hayaan na lang natin sila.
Kung sa tingin nila na ang pagmamahal nila sa akin ang makakapagdulot ng tunay na kaligayahan para sa kanila, ay hindi ko na iyon pipigilan pa. Ang tanging hangad ko lang talaga ay ang lubos na kaligayahan ng mga Soldiers namin.
"Jethro I love you! Papicture naman!" Sigaw ng isang tagahanga pagpasok namin sa Hotel na tinuluyan namin.
Kaagad ko namang pinaunlakan ang kagustuhan nya. Pinagbigyan ko sya na makakuha ng pictures mula sa akin. May bonus pa dahil niyakap ko rin sya ng mahigpit. Gusto ko sanang pagbigyan ang lahat ng Soldiers na nais na makakuha ng pictures at yakap mula sa akin. Ngunit alam ko naman na hindi ito maaari. Isa lang ako at milyon milyon ang Soldiers sa mundong ito.
Hindi ko malilimutan ang mukha ng mga Soldiers sa tuwing mapagbibigyan ko sila. Hindi mapapantayan ang kasiyahang bumabalot sa mga puso nila sa tuwing malalapitan nila kami.
Kaya naman ang world tour ang isa sa mga regalo namin sa aming mga taga-hanga na nasa ibang panig ng mundo. Gusto naming mapasaya ang mga international Soldiers na sumusuporta sa amin.
"Dahil puspusan ang mga rehearsals natin nitong mga nakalipas na araw, punta tayo sa Brooklyn Newyork Pizza, treat ko!" Wika ni Grayson
Parang mga batang nagsigawan ang iba. Talagang hindi namin mahihindian ang pizza sa Brooklyn Newyork na nasa isang sikat na mall sa Maynila. Papasikat pa lang kami ay iyon na ang paborito naming kainan. Hanggang ngayong matayog na ang lipad namin ay bumabalik pa rin kami sa lugar na iyon.
"Ayos! Oorderin ko ang gusto ko Grayson ha, basta sagot mo lahat." Nasasabik na wika ni Axel
"Oo nga, sagot ko lahat. Kaya bilisan nyo bago pa magbago ang isip ko!" Sigaw ni Grayson
Parang mga batang nagtakbuhan at nag-unahan papalabas ng silid ang mga kuya namin. Nasasabik talaga sila sa pizza.
Naiwan kami ni Eryx sa kwarto dahil may inaayos pa kaming mga gamit.
"Kung sino pa ang mga matatanda ay sila pa ang isip bata. Parang mga baliw talaga." Wika ni Eryx
"Hayaan mo na. Talagang sobrang namiss lang yata nila ang Brooklyn Pizza. Halika na. Baka iwanan na nila tayo at bawiin ni Grayson ang sinabi nya." Sabi ko
Papalabas pa lang kami ng silid ay humahangos na tumatakbo papunta sa amin si Jet.
"Ano ba? Ang babagal nyo naman kumilos! Bilisan nyo! Kayo na lang ang hinihintay!" Sigaw nya
Kaagad akong hinatak ni Jet at sabay kaming tumakbo papunta sa parking area.
Samantalang si Eryx ay walang pagmamadali sa kanyang utak. Naglakad lang sya ng normal at hindi alintana ang iba naming mga kapatid na nagmamadali nang makasakay ng van.
Sumakay agad kami ni Jet sa loob. Si Eryx ay mabagal pa ring naglalakad patungo sa direksyon ng van.
"Ang bagal mo naman Eryx, ayaw mo yata ng libre eh. Nagbago na isip ko!" Sigaw ni Grayson
"Ahhhh! Hindi pwede! Gusto ko ng libreng pizza! Kasalanan mo to Eryx!" Sigaw naman ni Hunter
Sumakay ng van si Eryx at naupo sa likurang bahagi ng sasakyan. Nakangisi sya na para bang walang nangyari.
"Para kayong bata! Kung hindi tayo ilibre ni Grayson, e di bayaran nyo na lang ang mga kinain nyo. Kaya nyo naman sigurong bayaran iyon di ba?" Masungit na wika ni Eryx
"Iba pa rin kapag libre! Kahit kailan ka talaga Eryx panira ka ng moment eh!" Sigaw ni Axel
"Si Eryx na lang ang huwag mong ilibre! Sabi nga nya, kaya nyang bayaran ang kakainin nya!" Wika naman ni Jet
"Nagmamalaki noh? Ano kayang vitamins ng batang ito at pinagmamalakihan na tayo." Sambit ni Grayson na tila may kaunting inis.
Pero kaagad na pinutol ni Rocky ang usapan.
"Oh tama na yan at baka magkapikunan na naman kayo. Mag-enjoy na lang tayo sa pizza mamaya. Tama na yan!" Sambit ni Rocky
Tumahimik sa loob ng kotse dahil sa mga sinabi ng aming leader na si Rocky. Kapag sya na ang nagsasalita ay dapat na sumunod na kami sa kanyang mga sinasabi.
Si Eryx, likas na tahimik, masungit at walang kibo ang kanyang pagkatao. Mas pinipili nyang hindi makisali sa aming mga kulitan. Mas gusto nyang maging seryoso sa lahat ng bagay. Kaya sa aming lahat ay sya ang madalas na may makaalitan. Minsan ay hindi sya naiintindihan ng iba, ngunit hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang pag-iintindi ko sa kanya. Sa aming lahat, sya ang pinaka apektado sa katotohanang iniwanan kami ng aming mga magulang, kaya mas pinili na lang nyang maging tahimik.
Pero kahit ganyan ang ugali ni Eryx ay mahal na mahal namin sya. Hindi ko nga maisip kung si Eryx ay kasing ingay at kulit nina Axel, Hunter, Jet at Grayson. Siguro ay wala nang magandang nagawa ang grupo namin. Mabuti na rin at may isa sa amin na laging kinokontra ang kapilyuhan ng iba naming kapatid.
Pagdating namin sa restaurant na paborito namin ay kaagad naman kaming inasikaso ng mga crew doon. Malalambing at mababait sila. At halos lahat sila ay mga loyal Soldiers lalo na si Ma'am Annie ang Branch Manager, at si Agatha. Sana ay nanood sila ng concert namin kagabi dahil last na concert na namin iyon dito sa bansa. Magiging abala na kami sa aming World Tour sa susunod na linggo.
"Hello! Napanood nyo ba kami sa MOA Arena kagabi? Last concert na namin iyon this year dito sa Pinas." Bungad ni Rocky
Kitang-kita ko kina Ma'am Annie at Agatha ang labis na kasabikan nang makita nila kaming muli.
"Kami pa ba ni Ma'am Annie? Hindi namin pinalampas ang concert nyo dito! Grabeh oh! Nawalan lang naman ako ng boses." Wika ni Agatha na halata ang pagkapaos sa kanyang boses
Nakipaghigh five si Grayson sa kanila.
"Alright! Salamat sa mga loyal Soldiers na kagaya nyo! Wohoo! Order na tayo ng paborito nating--"
"Pepperoni Pizza!!!" Sabay-sabay naming wika
Naupo na kami sa aming pwesto.
"Picture muna tayo." Wika ni Ma'am Annie
Malaki ang mga ngiti namin sa camerang hawak ni Ma'am. Kinuha naman ni Jet ang camera at sya ang kumuha ng groupie sa ibang anggulo kasama ang masasayang crew ng restaurant na ito.
Isniksik ni Agatha ang kanyang sarili sa tabi ni Ma'am Annie.
"Smile!" Sigaw ni Jet
Kaagad kong napansin ang isang babaeng crew na kalalabas lang ng kitchen. Ngayon ko lang sya nakita. Nakamasid lang sya sa amin habang nagpipicture kami. Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi nya ako napansin.
Kaagad syang nagtungo sa kabilang mesa at nilinis nya ang mga pinagkainan ng umalis na customer.
Tinignan ko lang sya. Nagkunot ang noo ko. Tila hindi sya nasasabik nang makita nya kami? Hindi ba sya Soldier? Pero imposible. Ngayon lang ako nakakita ng isang babae na hindi nababaliw sa amin.
Nilakasan ko ang loob kong kausapin sya. Kahit sa tingin ko ay mailap sya at masungit.
"Miss, sumama ka na sa picture." Wika ko
Nilingon nya ako pero sobrang blanko ng kanyang mukha. Hindi ko alam kung taktika nya ba ito? Na kunwari ay hindi nya kami kilala para mapansin namin sya? Dahil kung oo, epektibo ang taktika na iyon. Kaagad ko syang napansin, hindi lang dahil cute sya ngunit dahil kakaiba sya sa lahat. Tila wala syang interes sa grupo namin.
"Ayos lang po Sir. Hindi ko po kailangan ng mga pictures. Sila na lang po, dahil sila lang po ang mga avid fan nyo. " wika nya
Tinalikuran na nya ako at ipinagpatuloy nya ang paglilinis ng mesa.
Para akong nasampal ng sampung beses dahil sa sinabi nya. Sobrang sakit din palang malaman nang harap harapan na hindi kami iniidolo ng isang tao.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Rocky sa likuran ko. Nang lingunin ko sya, may magandang mga ngiti sya sa akin. Pinapagaan nya ang loob ko.
"Ayos lang yan Jethro, hindi talaga natin mapipilit ang lahat na gustuhin tayo. Isipin mo na lang ang kagaya nina Ma'am Annie at Agatha na totoong nagmamahal sa atin." Bulong ni Rocky
Matipid akong ngumiti sa kanya.
"Huwag kang mag-alala Jethro kakausapin ko ang Bestie ko. Sorry sa mga inasal nya. Sobrang manang kasi yan eh, hindi mahilig sa mga pop." Wika ni Agatha
"Okay lang. Okay lang yon." Sabi ko
Pero hindi ko na napigilan si Agatha at kaagad nyang hinatak ang babaeng hindi kami kilala.
Hindi ko alam ang gagawin nya sa kanyang kaibigan. Pero para sa akin ay ayos lang naman iyon. Kailangan talaga naming tanggapin na hindi lahat ay nagugustuhan ang mga ginagawa namin. Kailangan naming magfocus sa mga tunay na nagmamahal sa amin. Iyon ang importante.
Ilang saglit lang ay lumabas si Agatha na parang walang nangyari. Ganun din ang cute girl na walang interes sa grupo namin. Hindi nya talaga kami pinapansin dahil abala sya sa ibang mga customers.
Napapangiti ako sa tuwing maiisip na hindi nya kilala ang grupo namin. Parang naging interesado ako sa kanyang pagkatao. Anu kaya ang pinakakaabalahan nya? O baka naman may iba syang grupo na hinahangaan? Sino kaya? Gusto kong malaman.
Maya maya lang ay inihain na sa amin ang Pepperoni Pizza na inorder namin. At si Cute Girl ang nagserve nito sa amin.
"Wow!" Sabay sabay na sigaw namin
Nag-iba ang awra ni Cute Girl. May maganda na syang ngiti sa amin ngayon.
"Thank you Miss." Sabi ni Axel
Sobrang cute ngumiti ng babaeng ito. Masyado nyang pinapasaya ang puso ko dahil sa cute smile nya.
"Welcome Jethro!" Masaya nyang wika kay Axel
Patay!
Talagang hindi nya kami kilala. Ang akala nya ay ako si Axel. Bakit ba kasi nagpapanggap sya na kilala nya kami. Lahat sila ay nagtawanan dahil sa epic fail na sinabi nya. Si Jet ay halos mamula ang mukha sa kakatawa sa kanya.
"Miss, hindi sya si Jethro. Si Axel yan. Ayun si Jethro oh, yung nananahimik sa dulo." Wika ni Jet na talagang hindi mapigilan ang tawa.
Kinawayan ko si Cute Girl. Naawa nga ako sa kanyang itsura dahil kitang kita ko ang pagkapahiya sa mukha nya.
Napahiya sya sa amim dahil hindi nya kami kilala.
"Huwag ka na kasing magpanggap. Tanggap naman namin na hindi mo kami iniidolo. Okay lang yan." Sabi ko sa kanya
Kinindatan ko sya. Nginitian ko sya para malaman nya na ayos lang ang lahat ng ito.
Mula ng araw na iyon, tumatak na sa akin ang cute girl na hindi kami iniidolo. Ang cute girl na walang interes sa aming grupo. Gusto ko syang kaibiganin. Gusto ko sanang mapalapit sa kanya, ngunit paano?
Kinuha ko ang cellphone ko.
Inopen ko ang aking WeLive account at nagtipa ako ng mensahe na syang pinagkaguluhan ng mga Soldiers sa buong mundo.
Bullet Jethro: Yung cute girl na hindi ako kilala? Ang cute mo talaga. :)
Lahat ay nagbigay ng haka-haka tungkol dito. Sana ay mabasa nya ito para malaman nya na naging interesado ako sa pagkatao nya.