GEN'S POV
"HOLY FUDGE!"
Nakasimangot na tinakpan ko ang tainga nang marinig ang matinis na boses ng kaibigan ko. Halos malaglag ang mga mata nito nang ipakita ko ang regalo sa akin ni Prince Liam.
"Mahina pa, bakla. Hindi ka pa rinig sa kabilang building."
"Wait, wait. Let me google that." Excited na kinuha nito ang phone at hinanap sa internet ang brand na nakasulat sa kahon. Ignoring my jibe.
"Be my guest. Shuta ka."
"Lintek na brand yan ang hirap basahin. For sure super expensive yan." Reklamo pa nito habang nag ta-type sa phone.
Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Kanina ko pa kasi ni-research sa net ang brand ng chocolate. And I totally lost my s**t. Both on the proper pronunciation and to the effin' price. 16k lang naman, small things.
"For real? s**t!" She yelled.
I laugh at Donna. Muntik kasi itong malaglag sa kama. Kasalukuyan kasi kaming nakahilata sa double deck sa quarters namin sa palasyo. Sinamaan ko ng tingin ang gaga.
"Why? This chocolate is the OG, bakla. Can't blame me."
I rolled my eyes at her. Pero 'di ko maikakailang may point siya.
"If you say so."
Umayos ito ng upo at tumitig sa 'kin.
"Sangla natin 'to, watcha think? Parang ang hirap kainin ng 16k eh. Pagka perahan na lang natin, Gen."
Hampas sa braso ang sagot ko sa kalokohan nito. Baliw talaga 'tong si Donna, kahit kailan.
"Gaga! Sinong bibili ng 16k na chocolate? Baka ihampas pa sa 'tin ng pag aalukan natin 'yan," inagaw ko ang kahon mula sa kamay ni Donna at inikot iyon sa harapan ko na parang bang isang mamahaling alahas na kailangang kilatisin.
Narinig kong umungot ang baliw kong kaibigan.
"Wait. Have you tried it? s**t. Masarap ang truffle tapos dark chocolate pa 'to. Fave mo."
I shook my head. Punalatak si Donna saka nakangising kiniliti ako sa tagiliran.
"Naks naman. Alam ni Kamahalan niya ang fave flavor niya. Pahimas nga para mahawaan ng ka-dyosahan mo."
"Tse! Stop it. Ayoko ngang tikman. Nanghihinayang ako," tuluyan na akong naupo' hinarap si Donna. "Wait, check mo yung note niya. Very funny." Natatawang inabot ko sa kanya ang sobreng na kasama ng chocolate.
Nanlaki ang mga mata niya. Nagkukumahog na kinuha iyon mula sa akin. Puno nang pagmamadaling binasa iyon at katakot-takot na kurot ang inabot ko mula rito. Isama pa ang nakaka binging tili nito.
"Shuta ka! Mabibigyan tayo ng memo sa lakas ng bunganga mong babae ka!"
"Ano ba?" Pinalo nito ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. "Masama bang kiligin? Puta. Once in a billion years to. Ang sarap mong paslangin, bakla!"
"Manahimik ka sabi, eh!" Naiinis na hinampas ko siya ng unan. Tatawa-tawang sinalag niya lang 'yon.
"Fine. Magbe-behave na. Pero ang swerte mo. Seriously. Sinulatan ka niya. Like real love letter or sort of in his own nerdy way. Hindi ba bawal sila magbigay ng handwritten letters or notes sa kahit na sino?"
Natigilan ako. Oo nga pala, ngayon ko lang naalala na isa iyon sa mga 'di ginagawa ng Royal Family. They always send computerized letter but never a handwritten one. Autograph is also not allowed in any of their public appearance. Bawal nga kaming mga staff na magpapirma sa kanila not unless it was from the Royal Secretary's Office.
"Now ko lang na-realize, bakla."
"He's breaking all the protocols for you, Gen. Hmm...if it ain't love 'di ko na alam kung ano itatawag d'yan." She said to me and winked. Ipinagpautloy nito ang naantalang pag babasa.
"Wait dalawa ang letter niya?" Takang tanong nito ng makita ang PPS note ni Prince Liam.
Tahimik nitong binasa ang sulat ni Kamahalan na mas mukhang excerpt sa isang research paper kaysa love letter. Humagalpak ng tawa ang baliw na si Donna matapos mabasa ang sulat.
"He has an unconventional way of showing his affection. Napaka seloso ni Kamahalan." Kinikilig na sabi nito at ibinigay sa kin pabalik ang papel.
"Pa-frame mo or better put it on one of your scrapbooks," sabi nito.
I sighed and folded the note. I'll definitely put it on one of my scrapbooks or I'll make another one para lang sa note ni Prince Liam. Pa-frame ko na lang siguro, isasama ko na rin ang paper bag at ang karton ng chocolate. Parang baliw na napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko. OA na sa OA but I want to preserve the feelings. Para naman kapag matanda na ako't kulubot ang balat, may proof ako na ang lahat ng ito'y nangyari.
Cause right now, feeling ko nasa dreamland pa rin ako.
"Umaasa na naman tuloy ako, bakla," laglag ang balikat na wika o kapag kuwan.
Umayos ito ng upo sa kama ko at kinalong ang laptop. Ganon lagi ang routine namin every night pag-uwi galing opisina, magku-kwentuhan habang tinatapos ang sang damakmak na office works.
"Kelan mo ba kasi siya tatanungin? Baka heto na 'yung sign na hinihingi mo. Nagsisimula na siyang magparamdam sa'yo. Malay mo, bukas magtapat na siya sa'yo."
"Palagay mo?" Balik tanong ko.
Puno ng alinlangan ang boses ko. But if I'll be honest to myself, kasing taas ng mount Apo ang umusbong na pag-asa sa puso ko. Sino ba kasing matinong tao ang mag wawaldas ng ganoon kalaking halaga sa isang tulad ko, 'di ba?
Maybe...there's a chance. Kahit maliit man iyon, at least meron.
"Yeah.Pweds." Nakangiting sagot naman ng kaibigan kong super supportive, sa totoo lang borderline kunsintidor na ito.
"As if," I puff the air on my cheeks at natawa lang ang gaga.
"Anong gusto mo kontrahin kita? Baliw. Kapag ginawa ko 'yon, magtatampo ka sa 'kin. Sasabihin mong kill joy ako or ampalaya. So here I am...being the best f*****g girlfriend in town. Go, bakla! Tumalon ka. Malay mo naman, nasa ibaba siya't naghihintay na lang na mahulog ka."
Katakot-takot na irap ang naging sagot ko sa kagagahan nito.
"Maiba ko, I already sent the questionnaire to your email. Go check it."
"Geez, I almost forgot. Thanks."
Agad kong kinuha ang laptop na nakapatong malapit sa night table ko at tiningnan ang email ko. Saka ko na muna iintindihin ang tungkol kay Prince Liam, may importante kaming trabaho ni Donna na kailangang matapos ngayong gabi.
"What happened to your index?" Boses ni Donna. Nakatingin ito sa daliri ko.
"Minor accident courtesy of my ka-shungahan." Nakangiting sagot ko't parang batang nakakuha ng star na ipinakita pa sa kanya ang daliri kong may band-aid.
My traitorous body reacts instantly with the thought of what transpired earlier today. Parang pirated na CD ang utak ko, paulit-ulit na pag play doon sa scene na sinisipsip ni Kamahalan ang daliri ko. 'Di ko na naman tuloy naiwasang di mag blush.
"I won't ask. Baka langgamin na tayo dito. Pisti ka! Ano bang ginawa mong mabuti nong past life mo ha? May iniligtas ka bang mga prayle dati?" Kunwari'y pag hihimutok nito.
Natawa naman ako sa kadramahan ni Donna.
"Shut the f**k up! May Ginoo ka naman. Don't me!"
Inirapan lang ako nito at ipinagpatuloy ang naudlot na trabaho. Natatawang hinarap ko na rin ang laptop. I saw a bunch of red notifications in my inbox and I've looked for Donna's email. I've scanned it. Read every line and make some notes. When I'm contented, right away I forward it to Prince Liam's official email address. Which by the way, only a few have the privilege of knowing. Five people to be exact, including me. Lucky, right?
To: HRH PRINCE LIAM
From: genessiarodriguez.ootcp@gmail.com
cc: Jaques De Dios
Vladimir Perez
Subject: Copy of Interview Twitter Questions
May it please His Royal Highness,
In relation to your scheduled interview tomorrow, I've attached the copy of the questions from Twitter as per your instruction, Your Highness. Please, find the attached file for your perusal.
Kindly advise me if there is anything else I need to prepare for the interview, Sir.
Sincerely,
Genessia Rodriguez
Special Royal Aide
Office of the Crown Prince
Ilang beses ko munang inulit basahin ang na-compose kong email, ng kontento na ko ay agad kong pinindot and 'send button'.
"Maaga tayo bukas. Call time is 11:00AM." Paalala ni Donna sa 'kin pero ang mga mata'y nasa screen ng laptop. "Those questions na binigay nila, hindi pa final ang mga 'yon. The office requested na lima lang ang itanong kina Kamahalan bukas."
"Noted. Nasabi nga na sa 'kin ni Jaques kanina 'yon." Sagot ko sa kanya't uunat-unat na tumayo sa kama para mag banyo.
Paglabas ko, nakasimangot na mukha ng kaibigan ko ang nabungaran ko. Yakap pa ng gaga ang laptop niya, akala mo natalo sa sugal.
"What's with the long face?"
"Check your email.Pasaway kang bruha ka. Pasalamat ka mahal kita kung 'di kinalbo na kita," padabog itomg tumayo't isinukbit ang laptop bag.
"Hey!San ka punta?" Nagtatakang tanong ko habang sinusundan ito ng tingin.
"Sa labas! Na-award ako n'yang si Kamahalan mo. Ang sabi raw sayo 'Total rest and no f*****g work'. Basahin mo na nga ang email mo. May 10 minutes ka na lang bago halughugin ng berdugong si V 'tong kwarto natin."Inis na paliwanag nito at nilayasan na ko.
Nagmamadali kong kinuha ang laptop.
"f**k!" Wala sa loob na mura ko nang makita ang reply ng binatang prinsipe.
All caps iyon. Kahit wala siya sa harapan ko, ramdam ko kung gaano ka-intense ang iritasyon nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.
From: HRH PRINCE LIAM
to me:
GENESSIA,
YOUR EMAIL CERTAINLY DIDN'T PLEASE ME. IT MADE ME MAD.GREATLY, I MAY ADD.
I TOLD YOU TO REST BUT IT SEEMS THAT YOUR STUBBORNNESS GETS THE BETTER OF YOU. YOU HAVE THIS ODD HABIT OF DEFYING ME, I'M STARTING TO THINK IT'S YOUR FETISH.
V WILL COLLECT YOUR LAPTOP.
RESTTT!!!
- H.R.H
"Uh-oh!Patay kang Gen ka."
Hindi ko na nagawang isarado o i-off man lang ang laptop, narinig ko na kasi ang mahinang katok sa pinto. Hindi ko pa nabubuksan iyon, alam ko na kung sino ang nasa kabila. Imposibleng sila Maddie iyon dahil nag paalam itong may lakad kasama si Olive, habang si Donna naman ay mukhang nasa caffeteria nag kuta para tapusin ang mga inuwing office works.
I heaved a sigh then opened it.
"Laptop." Bungad ni V sa ‘kin. Nakalahad ang kanang kamay nito sa harapan ko’t seryoso ang mukha.
Walang imik na iniabot ko sa kanya iyon. Gustuhin ko mang makipag talo wala kong magagawa. Una, dahil si Prince Liam mismo ang nag utos at di iyon mababali ng kahit na sino. Pangalawa, ‘di naman ako sasagutin nitong mokong na nasa harapan ko kahit pa mamaos ako sa kakareklamo. I’ll chose my battle carefully around my royalty boss and his men.
"Here."
Kunot ang noo na kinuha ko ang brown paper bag na iniabot ni V. Likod na lang nito ang nakita ko nang mag angat ako ng tingin mula sa pagsipat sa loob ng nasabing bag.
“Thanks!” Sigaw ko, hoping na marinig ng kolokoy.
Naiiling na isinarado ko ang pinto’t lumapit sa side table. Nang mailapag ko iyon, I rummage through its content. Dalawang food container ang laman noon.Isang soup at ang isa naman ay beef rice topping. May maliit na pouch din na may lamang mga gamot. Pain killers and some tylenol.
Fave ko ang mga ‘to, ah! Ang galing namang chumamba ni Kamahalan.
Kahit kasi walang nakalagay na note ay alam kong galing sa kanya ang mga ito. I smile. Nabawasan nang kaunti ang takot na naramdaman ko para sa binata. May isang kamay ang humaplos sa puso ko sa napaka thoughtful na gesture na iyon. He can be overbearing, sometimes moody but his sweet side will always be my favorite part of him.
Para tuloy akong baliw na nakangiti habang nakatingin sa pagkaing nasa harapan ko.
I felt so special and loved. Alam kong hindi tamang umasa, pero ano ba kasi ang dapat kong maramdaman ngayong ganito ang pinapakita sa kin ni Prince Liam? Him going out of his way, breaking protocols and all , tells me that maybe there's a sliver chance that he also wants me to be part of his life.
If wishing stars are real and fairy godmothers do exist, I wish...I wish this is it. That it's him.
With that hope in my heart, I've come up with one sound decision. I'll tell him tomorrow. Come what may!