Chapter 8.

3386 Words
GEN'S POV "HEY ang tagal mo. Saan ka ba nag punta? Kanina pa nag-start ang meeting," salubong sa ‘kin ni Donna pagpasok ko sa control room. Buti na lang at may pinto sa may bandang likuran kaya di masyadong pansin na late ako. "Naligaw kasi ako eh. You know," matipid na sagot ko at dahan-dahang umupo sa tabi niya. Alam naman nitong mahina ang sense of direction ko kaya tumango lang ito’t ibinaling na ang atensiyon sa harapan. Ako naman, pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko dahil sa nasaksihan at sa nangyaring paghaharap namin kanina ni Prince Liam. Gosh, ano kayang nasa isip n’ya? He caught me and his brother in a compromising position. Huwag naman san aniyang isiping isa ako sa mga babaeng nagkukumahog sa atensiyon ng isang royal prince. Okay, for the sake of argument sabihin na nating partly bet ko ding mapansin ng isang prinsipe pero hindi ng isang gaya ni Prince Lazlo. I shook my head and let out a heavy sigh. Masyado na naman akong nag-ooverthink. For all I know, sanay si Kamahalan na makitang ganoon ang kapatid sa mga staff. With that in mind, inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikinig. “We will have a crisis response team for this particular issue. It's getting out of our hands now and we don't want this to get worse.Mahigpit ang instructions mula sa office of the crown prince na kailangang mapatay ang issue na ito. ASAP. The public must be pacified, and it is our job,” sabi ni Sir Chris ang department head ng Information Center. We all utter our agreement. Wala pa kasing isnag oras simula nang lumabas ang issue, sunod-sunod na ang paglabas ng video at pictures ng dalawang prinsipe kasama ang ilang mga socialites at models sa party. Hindi tuoy namin alam kung ano ang uunahin. Is it the viral stolen photo of both Prince Lazlo and Prince Lachlan entering the bar last night? Or, iyong short video clip of the second prince drinking and dancing with a socialite. And the definition of Prince Lazlo with the word dancing is borderline stripping. So yes, we're doomed. "The copy of the crisis management plan and the checklist were sent to your emails. Now, monitor all social media platforms and all the heads of the departments will submit reports to me before 5 pm. This is our TOP PRIORITY. Understand?" Sabay-sabay kaming tumango at napa Yes sa sinabi ng head namin. "The names that Sam will be calling, please stay.The rest may return to their post," pagtatapos ni Sir Chris at kanya-kanya na kaming nagsitayuan. Palabas na sana ‘ko ng pinto ng marinig kong tinawag ako ni Sam ang isa sa mga Senior Aide sa PR department. "Genessia Rodriguez, right?" nakangiting tanong niya sa kin. "Yes Maam,ako nga po." "Kindly occupy the seat behind Kenneth Mariano. Thank you," anito habang itinuturo ang direksyon ni Kenneth na kinawayan ako nang makitang nakatingin kami sa kanya. Naguguluhang tumango ako. Bago pa ko makapunta kay Kenneth ay hinarang na ako ni Donna. "Shocks. Bakla, kasama ka sa Project Trailblazer," bulong nito habang hinihila ako sa gilid. "Okay. Should I be scared?" "Gaga. Isa ka sa mga member ng crisis management team for this Prince Lazlo and Lachla’s scandal." Nalaglag ang balikat ko sa narinig. “Parang mas lalo kong natakot ah.Sa ibaba na lang ako mag-babantay ng mga tweets ng madlang peeps or gagawa ng draft for sss post.” Malay ko ba naman sa pagiging crisis managment keme. Duh. "Ano ka ba. You should be flattered.Kailangan kasi nila ng expertise mo sa content and your knowledge about digital marketing strategy. Take this opportunity. Break a leg.” "Oww," naisagot ko lang sa kanya. Bakit ramdam kong umiikot ang mundo ko ng 180 degrees? Una ang eksena with Prince Lazlo and the crown prince tapos ngayon eto. "So paano, galingan mo, ha? Nasa baba lang kami nila Maddie.Mukhang dito yata tayo matutulog sa mga opisina natin for this incident. Sabay tayong kuha maya ng pamalit, okay?" Pinisil muna nito ang kamay ko bago tumalikod. Napilitan akong lumkad patungo sa pwesto ni Kenneth. I need to embrace the opportunity I have right now madami ako matututunan sa dito for sure. The next few hours were filled with out of the box suggestions and bitching each other over cups of coffee. That’s what you’ll have for assembling a team of bright individuals. Nang medyo humupa na ang adrenaline ng bawat isa, tumayo sa harapan namin si Sir Chris na siyang mamumuno ng buong Crisis Management Team Project Trailblazer. "Genessia, you will be working with Kenneth, come up with materials that we can use before 5 pm today." We're twelve in the group and all were handpicked according to Sam. Iba-ibang department kami galing at may kanya-kanyang expertise. We will be working closely together to come up with a brilliant damage control plan to pacify the raging public. Though I can bring something to the table, ‘di ko pa rin maiwasan na kabahan. Baka imbes na makatulong ay maging pabigat lang ako. Kapag nangyari 'yon mag pe-presenta na lang akong taga timpla ng coffee nila. Pero sa isang banda, ‘di ako pinag-aral nila Papa at naka graduate with Latin Award para sumuko. Laking sexbomb yata ako. Sabi nga ni Chardii..Lavarn! "Come on Gen. Let's take that table over there," pukaw ni Kenneth sa ‘kin sabay turo sa table sa ‘di kalayuan. Tumango lang ako at sinabayan siya sa pag lalakad patungo sa pwesto naming dalawa.Napansin kong ganoon din ang ginawa ng iba pa naming mga kasama.Nasa isang kwarto kami sa 2nd floor. Heto Raw ang ginagamit na emergency meeting room ng communications department kapag may mga ganitong sitwasyon. Habang sila Donna ay naka station sa baba kasama niya sila Maddie at minomonitor nila ang mga messages at tawag na walang humpay sa pag dating galing sa mga media outlets na gustong mauna sa official statement ng Royal Family about the issue. The office of the Royal Press and Public Relations was on 'NO COMMENT' mode but things were rapidly spiraling. There's a media furor and the palace is in total chaos right now. Kaya ang mga bosses parang mga trumpong ikot nang ikot. Kaliwa't kanan ang meetings para lang makontrol ang sitwasyon. "We need to be precise. Short and I think we have to present proof regarding our claims. I'll search for some photos or anything that we can use," I was discussing a draft to Kenneth when my attention was caught by the slight commotion on my right. My jaw instantly joined the floor. Iniluwa ng pinto ang taong dahilan kung bakit ako sinusumpong ng insomnia gabi-gabi. Ang taong kahit ayaw ko ay naging regular ng bisita sa panaginip ko—His Royal Highness Prince Liam in the flesh. Parang batang pasaway ang puso ko na nag tatatalon nang makita ang gwapong mukha ni Prince Liam. He's the personification of prince charming. Ang aliwalas ng aura nito kahit pa salubong ang makapal na kilay at makulimlim ang mukha marahil dahil sa problemang dala ng nakakabatang kapatid. Bagay na bagay dito ang suot na black dress pants paired with a white polo dress shirt. I admire the crown buttons but more importantly the exposed skin of his neck and the teasing muscle of his wide chest. Pwede pa lang maging ganon ka sexy ang leeg ng isang lalake? At bakit ang bango-bango niya? Biglang sumikip ang kwarto’t hindi ako makahinga.I know for a few seconds I'm ogling the Royal Crown Prince. "Your Royal Highness. Good afternoon," awtomatikong nahinto kami sa kanya- kanyang ginagaw’t sabay-sabay na yumuko sa harap niya. "Good afternoon," matipid na sagot nito at marahang inikot ang mata sa loob ng kwarto. I felt my heart skipped a beat nang saglit na mag-tama ang mga mata namin. Ako din ang agad na nag bawi ng tingin at yumuko. Parang naging gelatin ang tuhod ko sa lambot. "I just want to personally thank all of you for your hard work. I'm counting on your team to come up with an ingenious plan for this problem." Shemay. That voice. Kahit siguro i-discuss niya sa ‘kin nang buong magdamag ang quantum physics or Euler's identity ay pakikinggan ko ng buong puso. All ears ako kay Kamahalan. "Chris, follow me." Agad namang tumalima ang boss ko’t lumapit sa prinsipe. Muli kaming yumuko bago siya umalis. Guni-guni ko lang ata pero nakita kong tumigil ito saglit at tinapunan ako ng tingin bago lumabas ng pinto. "Pressure," narinig kong comment ni Sylvie isa sa mga PR specialist ng palacio. "Totally. Perfectionist at super hands on pa naman ang Crown Prince kaya dapat ayusin natin.Mukhang ilang drum ng kape ang mauubos ko ngayong araw,” iiling-iling na sagot naman ni Marc isa sa mga ka teammates namin from PR department. "Bakit si Prince Liam ang nag ha-handle ng ganitong bagay?" Wala sa loob na tanong ko. "The King and Queen are both on their much needed wedding anniversary tour. And ever since na bumalik ang mahal na prinsipe galing sa abroad siya na ang nag ha-handle ng mga sensitive matters that involves the crown and royal family.Well dalawa sila ni King Leoncio," paliwanag ni Kenneth at hinarap ang laptop. "Isa pa ang dalawang prinsipe ang involve sa issue na 'to at bilang siya ang humahawak ng office of the crown prince and princess understandable na gusto niyang siya ang mag asikaso ng gulong to," dagdag pa nito na ang mga mata ay nasa screen na ng gadget nito. Walang imik na hinarap ko na rin ang laptop at sinimulang ayusin ang mga naka assign sa kin. Ilang oras pa ay para na kaming nasa isang trading floor ng stock exchange,kanya-kanyang dala ng laptop habang sa isang kamay ay may kape or ‘di kaya ay may mga mag kakapareha na mainit na nag tatalo but eventually magiging okay din naman at magkakasundo.Yeah,para kaming nasa palengke pinasosyal ko lang.'Cause why not? We're in the freaking palace kung saan ang lahat ay over the top. "Team let's reconvene upstairs. The crown prince wants an update and we don’t want him to wait,” anunsiyo ni Maam Val. Parang robot na nagsisunuran kami sa kanya palabas ng opisina at paakyat sa meeting room ni Prince Liam. Isang malaking meeting room ang pinasukan namin. Connected daw iyon sa office ng crown prince ani Sam sa gilid ko. Mahabang lamesa sa gitna na napapalibutan ng office chairs at sa bandang unahan ay ang prompter para sa presenter. The room was spacious and might be one of the simplest rooms I have seen so far here inside the palace. Naabutan namin sa loob ang isa sa mga royal aide ng crown prince na may inaayos sa lamesa. Agad kaming sinenyasan nito na maupo habang sa may connecting door ay nakita kong pumasok na ang royal guard na laging kasama ng mahal na prinsipe. Si Jaques. Siya ang second in command sa mga royal guards at ang shadow ni Prince Liam.Kahit kasi saan ang crown prince naka buntot ito. Ang alam ko’y simula middle school ay anino na ito ni Prince Liam. "Please take your seat. His Royal Highness will be here momentarily," anang baratinong boses nito. Tumabi ako kay Kenneth since s’ya ang partner ko.Nasa may bandang gitna ang pwesto namin at nakaharap sa connecting door kung san parang estatwang nakatayo si Jaques. Sa gilid ng mga mata ko, napansin ko ang pagtitingin nila Sam at Maya ng tingin. Halatang kinikilig ang dalawa. Bakit hindi? E nahawa na yata ang royal guard na’ to sa kagwapuhan ng amo niya. But infer, may karapatan naman talaga siya. He's silent, brooding kind of handsome.’Yung ‘pag ngumiti its either kabilugan ng buwan or katapusan na ng mundo, that kind of handsome. Dark and beautiful. Para talaga itong bida sa mga 007 movie,naka suit ito though ang under shirt ay black din at may earpiece ito sa kanang tenga na alam kong naka connect sa command center ng secret service at sa office of the Royal Guards. "Gen, did you check out d Pub? Its in extramuros. Maganda roon," bulong ni Kenneth sa kin na ang kanang braso ay nakalagay sa likod ng upuan ko. "Not yet, but we're planning. Nabanggit ng pinsan mo last nigt. Nagpaplano na rin sila, I think Friday. You'll go there?” Extramuros is the area before the Walled City. It's an entertainment area and frequented by the younger generations.Madami kasing mga high end bars and restaurants doon.It's an upscale neighborhood. "Yes. I'll be with Mark and Steve. You guys met them na, right?" Tatango sano ko pero narinig ko ang pag bukas ng connecting door. Seryosong mukha ni Prince Liam ang nakita ko.Parang may isang invisible na kamay ang nag pindot ng remote control. Sabay-sabay kaming tumayo at yumuko. "Good afternoon Your Royal Highness." "Sit down," narinig kong sagot niya at sa gilid ng mga mata ko’y nakita kong inokupa niya ang upuan sa pinaka gitna. Pagkatapos niyang umupo ay saka lang kami nag si-upo. Its the proper way.The royals will sit first then saka na ang kung sinong Poncio Pilato. Agad nitong binuksan ang leather black folder. Kita ko ang naka-embossed na logo ng palasyo with cursive letterings below it bit what took my attention was the long lean fingers that’s holding it. So masculine and sexy. "Let's start. Chris," ‘di ito nag angat ng tingin at sinenyasan ang boss namin na tumayo naman agad at pumunta sa unahan. The whole time, lahat ng atensiyon ko’y nasa mahal na prinsipe. Palihim ko siyang tinitingnan sa gilid ng mga mata ko. Bawat kunot ng noo niya, ang marahang paghawak sa baba and the little nod he make ‘pag may narinig siyang nagugustuhan.Para siyang isang napaka gandang bato na kinikilatis ko sa ilalim ng telescope. I can't help myself from staring. Damn! Bahagyang nag-taas ito ng tingin at ‘di sinasadyang nagkasalubong ang mga mata namin.Para kong napasong iniwas ang mga mata sa kanya at nag kunyaring nakikinig sa nag sasalita sa harap ko. I can feel my cheeks turned red and my heart fluttered for the nth time. Sheett! Nahuli ako. Hinddi naman ako mukukulong, right? Bawal na bang tumitig now sa isang gwapong lalake? "Gen, ikaw ang mag discuss ng draft na ‘to ha?" bulong ni Kenneth na medyo lumapit pa sa tenga ko para di kami makaistorbo kay Maam Val kasalukuyang nag di-discuss about the proposed official statement ng palacio. May tentative schedule kasi for press con two days from now. "Okay but help me with that. Hindi ko kayang mag-isa ‘yan. Kinakabahan ako,” ganting bulong ko din at nag angat ng mata. ‘Di sinasadyang nakita kong nakatingin sa min ni Kenneth si Prince Liam.Salubong ang kilay nito.And there's a hint of something behind his dark onyx like eyes, I can't quite name it though. His jaw slightly clenched before he tore his gaze from us. "Let us discuss your social media drafts. Enlighten me. Anyone?" Nahimigan ko ang iritasyon sa boses nito. Natigilan kaming lahat at nagpalitan ng nag tatakang tingin.The crown prince is known to be serious and calm at bihira daw itong mag pakita ng inis or galit. "Genessia and Kenneth will discuss the matter Your Highness," may takot sa boses na sagot ni Maam Val saka kami tinanguan ni Kenneth. Nanginginig ang tuhod na lumakad ako sa gitna. Feeling ko kakatayin ako ngayon. Bakit ba ko sumangayon kanina kay Kenneth? Pwede ko namang sabihin sa kanya ang reason ng draft na nagawa ko tapos siya na bahala. ’Di ko Yata kayang tumagal ng five minutes na nakatayo malapit kay Prince Liam. I can't stand near him and I can't stand his scrutinizing gaze. Kenneth cleared his throat and began discussing our proposes speech and some short captions to use on the five official Twitter accounts of the royal family. Habang ako ay parang sinisilihan sa gilid.I'm starting to fidget.Habit ko iyon pag na te-tense or kinakabahan.Iniikot-ikot ko ang dulo ng manggas ng suot kong uniform at di iilang beses na tinapik tapik ng paa ko ang sahig. Napansin siguro ‘yun ni Kenneth kaya bago niya ibigay sa kin ang clicker ay marahang pinisil nito ang braso ko bago ako nginitian.Marahang tango at ngiti lang ang sagot ko sa binata. "How about this draft? Who made this proposal?" Ang iritadong boses ng prisipe ang umagaw ng pansin ko. Mahigpit kong hinawakan ang clicker as if my life depends on it and swallowed all the anxiety that was formed in my throat. I looked at him and answered without batting an eye. "Ako po Kamahalan.” Huli na para ma realize ko na naitawag ko sa kanya ang favorite naming pet name sa kanya ni Donna. Nakakahiya. Napakagat labi ako’t sabay na napapikit. Ang shunga ko sa part na ‘yon. Sinong matinong tao ang tumatawag ng ganoon s amga royals? Wala na. Ako lang. "I m-mean Your Highness,ako po.” "Kamahalan is fine," he waved his hand dismissing my stupidity. Tumango lang ako’t ipinaliwanag ang reason kung bakit inilagay ko sa sa draft ng tweet na gagamitin namin ang name ng isa sa mga Royal Prince ng ibang bansa na classmate ng Royal Princes ng Filipinas. "Binabatikos na po kasi ang Royal Family sa sa twitter,they're saying that the two princes had the audacity to cut classes and end up partying habang isa sa mga kilalang charity works ng palacio ay may kaugnayan sa education," kinakabahan man ay sinalubong ko ang mga mata niya. Tahimik lang ito at nakahawak sa baba ang kanang kamay habang ang mga mata ay nakapako sakin.Naiilang man at napapaso sa mga tingin ng prinsipe, nagpatuloy ako sa ginagawa. "I stumbled a photo of Prince Sahid and the two princes at a tarmac in Switzerland," bigla kong natigilan. Ako na lang kasi ang nakatayo sa harapan. Ang plano ko pa naman ay siya ang pag aabutin ko ng tablet kay Prince Liam para ipakita ang mga photos na last minute kong nai download kaya di nakasama sa prepared ppt na naka display sa projector. Napapalunok at dahan-dahan akong lumapit sa kanya.Nakita ko kasing nakataas ang kilay nito at tila naiinip na sa paghihintay. I silently hand him the gadget.He took it from me at mula sa kung saan naramdaman ko na naman ang kuryente sa buong katawan ko. Di sinasadyang nahawakan niya ang kamay kong may tangan ng tablet. I flinched at the sudden surged of sensation. Alam kong napansin niya ang reaction ko kaya't parang napapasong binawi ko ang kamay ko at inilagay iyon sa gilid ko. Simple kong nilibot ang tingin ko sa mga kasama ko. TH ako kung napansin nilang na-shock ako but luckily they were all oblivious to the tension that was building between me and the crown prince. "So this will justify our claim that their classes are cut short and they're actually on a vacation since last week?" balewalang sabi nito at ang atensiyon ay nasa tablet na hawak. Busy na ito sa pag sa-swipe ng mga pictures. "Yes, Your Highness.” "But did the Palace called the Institut at Switzerland?and did you call the office of Prince Sahid? ayoko nang madagdagan pa ang problema natin ngayon." "We both called their office, Your Highness," sagot ni Sir Chris na nakaupo malapit sa ‘kin. “We requested for their official statement and I was instructed that they will email it tomorrow." Napatango-tango ang crown prince na mukhang kontento sa mga nailatag naming plano sa harapan niya. "Very well. You may take your seat, Genessia," he said in a dismissal tone. Nag bow ako bago bumalik sa pwesto namin ni Kenneth. Lutang na lutang ang feeling ko sa pinaghalong kaba at saya? Yes. I'm happy and honestly kinikilig. Bakit hindi? E ang sarap sa pandinig at pakiramdam ‘yung pagbigkas ni Prince Liam sa buong pangalan ko. Why does my name sound so beautiful and perfect on his tongue? Simula sa araw na ito papalitan ko na ang nasa number 1 spot ng playlist ko sa spotify. From Intentions ni Justin Bieber to Genessia of His Royal Highness Prince Liam. I smirked stupidly. Wait. Hindi ba dapat mas masaya akong pinuri ni Kamahalan? Great, I’m flattered and certefied maharot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD