Chapter 10.

2854 Words
GEN'S POV "Hey wait for us!" habol ni Donna mula sa likod at biglang sumingit sa pagitan namin ni Kenneth. Natanggal tuloy ang kamay ng binata na naka alalay sa likod ko. Hindi ko ito pinansin. Gusto ko na kasing makaalis sa kwarto na 'yon kaya nagmamadaling hinila ko ang braso ng kaibigan. Baka mai-salvage ko pa ang kakapiranggot na pride na natitira sa 'kin. Iyong kahihiyan kasi, totally depleted na. "Okay,tara. Bilisan mo, bakla." Ilang saglit pa ay humalo na kami sa mga taong nasa gitna ng dance floor. As expected, everybody's clubbing like it's their last time partying on earth. Can't blame them, it's the weekend. We're like in one great puppet show, the DJ's the marionette and we're all his puppets dancing and gyrating to the master's invisible string–music. I know that my head will hurt like hell tomorrow 'cause of a hangover but I keep on burying that thought. Paracetamol and a liter of water will do the trick tomorrow. I'm hopeful. Besides, after ng kalokohang ginawa ko sa harap ni Kamahalan bagay lang sa 'kin ang sumakit ang ulo bukas. "Bingo ka na ba, bakla?" "Gaga, block out na card ko." "Don't be too hard on yourself. I saw him smile," kinikilig na bulong ni Donna sinabayan pa nang impit na tili. "Nakita mo rin 'yon?" "Kakasabi ko lang 'di ba?" "Hi! Sexy," narinig ko ang malamyos na boses ni Kenneth sa likuran ko. "Hi yourself, pretty boy," ganti ko't nakangiting humarap. I saw some of our officemates gather around the dance floor. The music now is little bit sexy, nang kuhanin ni Jeff ang kamay ni Donna wala itong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kasamahan namin. Wala akong choice kung 'di pagbigyan si Kenneth na maisayaw ako. His hands snaked around my waist, medyo natigilan ako. I quickly placed both of my palms on his chest, he smiled knowingly. Isa iyon sa gusto ko sa binata, gentleman ito at hindi masyadong pushy. "Glad I had my chance to snatch you away. Mahirap kalaban ang mga big boss natin." "Kalaban? Saan?" Mahina akong natawa. "You know...all of the female population go crazy over the royals. Kung sasabihin mong immune ka, Gen. Hindi ako maniniwala." I gave him my most sincere smile. "Tao ako, Ken. Hindi rin ako ipokrita. Yes, 'di ako immune sa kanila but I'm not a fool either. Humahanga lang kami. That's all," saglit akong natigila dahil nanayo na naman ang balahibo ko sa batok. "At the end of the day, I'm the girl who'll end up marrying the next random guy who have a knack for a crazy lady with a poor sense of humor." Malakas na tawa ang narinig kong pinakawalan ni Kenneth sa sinabi ko. Napangiti na lang din ako sa reaksiyon ng binata. "Napaka swerteng nilalang." "Baka malas." "Nah. I beg to disagree. Whoever he is, he's the luckiest. You're pretty, smart, funny, and sensible." "Sensible?" "Yes. To know that there are off limits," tumingala ito't sinundan ko ng tingin ang mga mata nito. The air on my lungs was sucked out when intense dark brown orbs met my inquisitive ones. Don't tell me, kanina pa kami pinagmamasdan ni Prince Liam mula sa VIP section? His glare bore into me and there's something in his eyes that made me flinch in fear. He's silently sipping his whiskey without tearing his gaze at me, while his cousin Prince Yñaki's laughing beside him. Mukhang aliw na aliw ito habang madilim at galit na galit ang mukha ni Prince Liam. Napalunok ako at parang nasa loob ng ribcage ko si Mjölnir, nag waaala. Sasabog 'ata ang dibdib ko sa kaba dahil sa puno ng galit ang tinging pinupukol sa kin ng mahal na prinsipe. Kung totoong nakakamatay ang tingin,malamang kanina pa ko nagkikisay dito sa dance floor at binawian ng buhay. But why is he mad? Anong kasalanan ko? Wait, dahil ba 'to sa ka-cornyhan ko? Oh no. Mabilis kong inalis ang paningin sa dalawang prinsipe't kinalma ang sarili. Nagkataon lang siguro na nagawi ang tingin niya sa 'min ni Kenneth. 'Di ko dapat lagyan ng kulay 'yon. Hindi ako pintor. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang pukaw ni Kenneth sa 'kin. "Yeah. Medyo nahilo lang sa lights. Can we sit down?" "Sure.Tara don sa bar," inalalayan ako nito paalis sa dance floor pero bago tuluyang umalis, muli akong lumingon. Nakatayo pa rin sa pwesto ng mga ito ang dalawang gwapong prinsipe. Nakita kong iniangat pa sa kin ni Prince Yñaki ang baso bago nakangising uminom, as if offering me a toast. Habang likod na lang ni Prince Liam ang nakita ko. I shrugged it off at tahimik na sumunod kay Kenneth. Nang makaupo kami sa bar, humingi agad ito ng tubig sa isa sa mga bartender. "Thanks, Ken. Sorry, nag-babysit kapa tuloy." "Don't mention it. If ikaw naman ang ibe-baby sit I don't mind," nakangiting sabi nito na may palipad hangin pa. "Its lame," biro ko dito habang umiinom ngunit ang mga mata ay nasa binata. Napakamot ito sa batok at medyo namula ang mga pisngi.I'm just teasing him for trying to throw some pick up lines to me. "That bad ha?sabi ni Steve it worked for him daw eh.Tsk,yari sa kin mamaya yun," tatawa-tawang sabi nito. "I'm just tea–" di ko natuloy ang sasabihin sa binata dahil biglang sumulpot si Gil ang isa sa mga kaibigan nito. "Sorry Gen hiramin ko lang saglit 'to," turo nito kay Kenneth. Nagtatakang tumango lang ako.Mukhang may seryoso kasing sasabihin ito sa kaibigan. Ilang minuto ring nag-usap sa gilid ang dalawa bago bumalik sa bar si Ken. Alanganin ang ngiti nitong ibinigay sa 'kin, biglang lumungkot ang mukha. "Gen there's something came up sa PR just now and we're instructed to go there. I really feel bad to leave you here la–" "No. It's okay, Ken. I'll be fine.Just go back to the palace.And'yan naman sila Donna," nakangiting sabi ko't bahagyang pinisil ang kamay nito. Saglit itong natigilan at tumitig sa mga kamay namin. Inalis ko agad iyon at nagkunwaring deadma. "Thanks. Again, I'm sorry. Emergency meeting raw kasi't di pwedeng ipag- pabukas," hinging paumanhin pa din nito. "Ano ka ba.Sinabing okay lang. Sayang ang OT. For sure, may special pay kayo n'yan since it's Saturday now." "Yes. I need to pay bills," he smiled and look around. "If you need anything, nandoon sila Mark." "Aye. Go now. Take care," pagtataboy ko sabay kaway sa mga ito. Wala nang nagawa pa ang binata lalo pa't hinila na ito ni Gil palabas ng bar. Naiwan akong nakatayo't hinahatid ang mga ito ng tanaw. "Now what?" inis na tanong ko sa sarili. Uuwi na ba ko or aantayin kong magsawa at malasing ang mga kasama ko? The first one seems the best choice since gusto ko na rin namang mag pahinga, pero ayokong umakyat sa VIP room sa taas para kunin ang bag ko. No. Makakaharap ko si Prince Liam, and God knows kung anong kagagahan na naman ang masasabi't magagawa ako. Besides, mukhang imbyerna 'to sa 'kin sa 'di malamang kadahilanan. So it leaves me with choice number two. Ang mag hintay. Napaungol ako nang maramdaman ang pagkirot ng talampakan ko. I've beenwearing these killer heels for how many hours now. It's high time to sit and take that much needed booze. One for the road. Isa lang talaga, promise. "Adiós motherfucker, please," sabi ko sa waiter na mabilis ngumiti nang marinig ang order ko. "Hinay-hinay lang, miss beautiful. Baka ikaw ang mag adios sa alak na 'yan at hindi ang problem mo." I scoffed at the man who was seated on my right. Hindi ko rin ito nilingon. I'm not here to look for a company, gusto ko lang magpalipas ng oras. Tapos. "Who said I have a problem?" "Says all the girls who go for a bar only to wail moments later." "Aba't..." Likod na lang nito ang nakita ko nang lumingon ako. "Her drink's on me, Niel," sigaw nito habang nakataas ang kaliwang kamay at lumalakad palayo ng bar. Naiwan akong nakatulala sa bulto ng matangkad na lalake. "Whi the f**k is that?" "The owner, miss. Here. Enjoy." Mag- uusisa pa sana ko pero biglang dumami na ng mga customer at waiters na nakapalibot sa mabait na bartender kaya't napilitan akong tumabi sa gilid. I enjoyed my drinks in peace while watching the people throw their heads, drink and rave. ONE FOR THE ROAD. Name one great scam in history. Let me share mine– one for the road! Na-scam ako ng pesteng one for the road na 'yan. Naging seven na 'ata or eight? Ten, maybe. Ugh. Nag sanga-sanga na. I've lost count already kaya heto ako sa may gilid ng club malapit sa parking lot, parang tangang nakasandal sa pader naghihintay ng...ewan. Naiinis na iginala ko ang mga mata sa paligid. And, why am I here outside? O, yes. I'm going back to the staff house para matulog 'cause I'm weighsted.Waysted. Waisted. Shit. Wasted! Ba't bigla akong naging bobo sa spelling? Nauna na nga pala 'kong nag paalam kina Maddie. Sinabi kong uuwi na 'ko dahil bigla na 'kong tinablan ng antok. Isa pa, hindi na rin ako nag e-enjoy lalo pa't may isang lalake ang lumapit muli sa 'kin sa bar at pinilit akong makipag sayaw rito. Mabuti't naroon ang mabait na bartender na katulong kong nagtaboy sa lalake. Maddie told me to text Donna since I can't find my best friend earlier when I went up to the VIP room. Nang maalala iyon, I quickly looked for my phone inside my bad. Mag bo-book rin ako ng cab pauwi sa palasyo. Kaso sa kamalas-malasan nalasing na rin yata pati ang motor skills ko't biglang namandid ang magkabilang mga kamay ko. What the F? Nabitawan ko ang cellphone, tumilapon iyon sa gutter sa tapat ko. Iritableng umalis ako sa pagkakasandal sa wall. Susuray-suray ako na naglakad at huminto sa tapat ng telepono ko. I blinked. Nakaramdam ng hilo't biglang bumigat ang ulo ko. Bakit apat na ang kalsada sa tapat ko? It was supposed to be one. For some unknown reason, my sense of balance was also missing. Feeling ko malapit ng maging jelly fish ang katawan ko sa lambot. Grabe naman ang tama ng ininom ko,ba't ang lakas sobra? "A-asarr naman!" inis sa sariling sabi ko. Dahil nanlalabo na ang paningin ko coupled with my loss of coordination, naapakan ko ang isang may kalakihang tipak ng bato sa daan.Huli na ng ma-realize ko ang katangahan. I shut my eyes off and anticipated the fall. Alam kong hahalikan na ng mukha ko ang kalsada dahil sa kalasingan at ka-engotan ko. But to my surprise, a pair of strong arms pulled me from behind. Freshwater, musk, and spice hit my nose and it's heaven. That concoction was more dangerous and potent than any booze I have tasted or ever invented but I'll still drink it. Kahit lason pa iyon. How can heaven smell like sin? The arm that was coiled on my waist tightened while the other was on my left shoulder blade, holding me firmly so that my face won't kiss the pavement. "I got you, Genessia. I got you," puno ng pag aalala at lambing ang boses sa likuran ko. I'm intoxicated but I felt the tiny hairs on my nape stood up dahil sa pagtama ng mainit niyang hininga sa batok ko. Who's this man and why am I going weird with him? Wait, why he sounded like the Crown Prince? Gusto kong tingnan kung sino siya pero ayaw bumukas ng mga mata ko. Namimigat ang mga talukap ko't parang may kung anong mabigat na bagay ang nakapatong sa ibabaw non. Gusto ko lang na pumikit. Masarap sa pakiramdam. Para 'kong hinehele at lumulutang.. "Genessia, are you ok? Talk to me. Look at me. May masakit ba sa'yo?" Boses ng crown prince pa din ang naririnig ko,balot iyon nang pag-aalala. I like the sound of his voice. And he called me Genessia. Pero bakit umaalog-alog ako? Lumilindol ba? Nasa dagat ba kami? "s**t. Genessia, for God's sake, talk to me." Napakunot noo ako nang marinig ko ang labis na pagkabahala sa boses niya. "I-i'm k..." pikit-matang sagot ko. Wala sa sariling napahawak ako sa lalamunan. It feels like sand paper. Weird, pero bakit bigla akong hirap magsalita? Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero bakit parang naging bakal ang dila ko? What's wrong with me? "Mierda. You'll be the death of me. Women should be responsible. You should know your limits. You're drunk and can barely walk. Why did you drink too much?" There's that sweetness again in his voice and I like it pero may bahid pa riin ng galit. "I-it's a c-club. S-shunga!" He chuckled and I smile. I know my lips curved into the sweetest smile I could manage on this poor state that I'm currently in. "My bad then. We will take you to the palace. Okay?" Tango lang ang naging sagot ko. Kahit ayaw makisama ng mga mata ko, pinilit kong iminulat ang mga iyon. Lalong nagkaletse-letse ang hormones sa katawan ko nang makita ang maamo at gwapong mukha ni Prince Liam. Nakatingin siya sa 'kin at naroon ang urge sa loob ko na itaas ang kamay at haplusin ang pisngi nito. Gusto ko siyang hawakan pero bakit di ko magalaw ang mga braso ko? Unti-unti na kong nagpapanic sa mga nararamdamang kakaiba sa katawan. I'm not a heavy drinker but I know that nothing about my reaction now was normal. From the tingling sensation on my hands, the trembling, numbness and nasuea. Geez. Am I dying or what? "Genessia...look at me. Anong nararamdaman mo? Isasabay ka na namin papuntang palasyo." A painful groan escaped my throat when I attempted to speak. Nanlalaki ang mga matang tumitig ako sa prinsipeng ngayon ay halatang nababahala na rin. "Genessia? Are you okay?" Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko't kinapa ang noo ko. Magkasalubong ang makapal nitong mga kilay nang sapuhin ang baba ko't mariin akong titigan. "Your eyes are droopy. Blink if you can't talk or your knees are like jelly." I blink, twice. Thrice. His face was transformed from anxious to deadly. Scarry as hell deadly. "f*****g s**t. V!!" Halos marining ko na ang pag kikiskisan ng mga ipin niya na parang anytime ay handa siyang manakmal. Lumalabas na ang mga ugat sa noo nito and I coulde see his jaw clenching. He's furious. Kung sa normal na pagkakataon na makita ko si Prince Liam na ganito ang itsura ay matatakot ako't mas gugustuhin kong magtago.He's like a beast ready to pounce. Pero ngayon nakatitig lang ako sa kanya. 'Di ko alam kung bakit sa kanya lang nakapako ang mga mata ko. Wait. Namamanhid ang paa ko. Kailangan kong mahiga.Gusto kong humiga. Pero di kama or kalsada ang binagsakan ko kundi ang mga bisig ni kamahalan. "Genessia? s**t. V, get the car. Pronto!" Sinong V? Artista 'yun di ba? Nasan si Jaques? Bakit 'di mo sya kasama, Kamahalan? "Stay with me Genessia. Eyes on me," nakita kong puno na naman ng pag aalala ang mukha niya at nakikiusap ang mga mata niya. Ba't siya mag aalala sa kin,gusto ko lang magpahinga. "Your Highness, the car's here." Anang isang boses na bago sa pandinig ko. Siguro siya yung si V. Gusto ko siyang lingunin pero ayaw sumunod ng ulo ko. Nasa mahal na prinsipe lang ang buong atensyon ko. Naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko't dahil masyadong maalog, bigla akong nahilo. Mabilis kong isiniksik ang ulo sa leeg ng prinsipe. I hummed, appreciating his masculine scent. God, that smell! Naka-adik. "Hang in there, Genessia. Call Dr.Mendoza. NOW!" With the remaining strength I have, I willed my left eye to open and peered at the crown prince who's now holding my head and eyeing me warily. "Make this car fly. Dammit!" "I-I'm...k." A meek smile made it to my lips before I slowly closed my eyes. Malakas na tunog ng sirena ng mga sasakyan sa labas ang narinig ko. Napa ungol ako, masakit sa pandinig ang mga iyon at lubha kong nasisilaw sa mga ilaw mula sa labas. Humahapdi ang mga mata ko kapag tinatamaan ng mga ilaw kaya muli akong sumiksik sa leeg niya. Kamahalan, please turn off the lights. I don't like the lights. Turn it off, please. "Genessia? Madre de Dios! Open your eyes, that's an order!" Puno nang pag susumamo ang boses ni Prince Liam, nakikiusap na dumilat ako ngunit mas gusto kong mag paanod sa napakasarap na pakiramdam na humihigop sa kin.Malakas ang pwersang iyon at dinadala ako sa kung saan man. All I can see is a never ending darkness, it's bottomless. I tried very hard not to fall but it's futile. Each time, I failed. I keep on falling, falling and falling into the deep black space. Into the abyss. I tried. Hell, I tried... But I'm tired. And I don't want to fight back anymore. So, I welcome it with open arms. I surrender into nothingness and it's one of the best feelings I have ever felt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD