AN; Hello pa sa lahat ng naghihintay ng update. Maraming salamat po at sa mga bagong nag-aabang sa storya ng dalawa. Enjoy reading! Love lots! ? ======================================= AHRAW P.O.V Bumalik na kami ni Garry sa bahay matapos namin tingnan ang lugar na sinabi ng isang pulis, at nakita ko nga doon si, Rico. Ang dating kasama ko na walang kasing gulang at tarantado. Kasalukuyan na nakaupo kami sa sala ni Garry at umiinom ng alak. "Anong gagawin natin ngayon boss?" Napalingon naman ako kay Garry dahil malalim ang iniisip ko tungkol doon sa lugar na pinuntahan namin at 'yung babae na napagtanungan ko. "Malakas ang pakiramdam ko na nandoon si, Jessy. At babalik ako doon upang alamin ulit, si Rico na mismo ang kakausapin ko." seryosong sagot ko at sinimsim ang alak sa baso.

