AN: Salamat sa mahabang paghihintay at sana'y nariyan pa kayo upang ako'y samahan sa nalalapit na pagtatapos ng story na ito. Salamat sa mga dagdag supporters ko diyan. ? ========================================== JESSY Sa buhay ko wala akong sinukuan kahit pa puro paghihirap at pagtitiis ang nakasanayan ko noon. Simula ng maulila na ako sa magulang ko napunta ako sa malupit kong tiyahin at tiyuhin, ginawa nila akong tagasunod sa lahat ng kagustuhan nila. Ako ang nagpapakain sa kanila at nagbibigay sa mga pangsugal nila. Simula ng tangkain akong gahasain ng tiyuhin ko na kinampihan ng tiyahin kong gaga. Lumayas ako dahil kusang lumakas at tumibay ang loob ko sa panahong wala akong malapitan, nagpanggap ako bilang lalaki para na rin sa proteksyon ko sa sarili ko para sa mga taong hayo

