AN: Finally! This it! Hope na mag-enjoy kayo sa last part na ito. At huwag niyong kalimutan ang i-play ang music. ????? ========================================= JESSY Sa harap ng pintuan nang simbahan hindi ko mapigalan ang maiyak, dahil pangarap ko lang 'to noong bata ako. Now, ito na talaga kahit napakabilis ng mga pangyayari napakasaya ko. Pagbukas nang malaking pintuan bumungad agad sa akin ang mga nakahanay na mga naka-black americana na mga lalaki sa pagitan ng mga upuan dito sa loob hanggang doon sa may harap ng altar. Napangiti lang ako bigla dahil konti lang ang tao sa may upuan at puro lalaki pa. Tapos nakita ko si Ahraw na titig na titig sa akin at hindi ko alam kung naiiyak ba siya dahil sa pa-simply na pagpunas nito sa kaniyang mata. Habang naglalakad ako hindi ko tal

