Kinabukasan ay maagang gumising si Millie upang magluto ng almusal. Gusto niya kasing pagsilbihan ang kanyang lola habang nando'n siya. Isinangag niya ang natira nilang kanin kagabi. Pagkatapos ay nagluto siya ng pritong itlog, tuyo, at hotdog. Naggisa rin siya ng kamatis dahil paborito iyon na sawsawan ng kanyang lola. Maya-maya ay pumasok ang kanyang lola sa kusina na halatang kakabangon lang mula sa higaan. "O Lily, ang aga mo yatang nagising. May pasok ka ba ngayon?" narinig niyang tanong nito na nagpakunot sa kanyang noo. Hindi niya alam kung mali lang siya ng dinig dito. Pero kung tama ang kanyang pagkakarinig ay ang sinambit na pangalang ng kanyang lola ay ang pangalan ng kanyang yumaong ina. Gayunpaman ay hindi na lamang niya iyon pinansin dahil baka namali lang ng sabi ang kan

