Medyo natigilan si Millie dahil sa sinabi ng kanyang boss pero mabilis din siyang nakabawi. “Hoy, umayos ka nga! Hindi mo pa nga ako nililigawan diyan tapos gusto mo na agad makadalawa ng halik sa akin,” nakanguso na wika niya sabay subo ng kutsara sa bibig ni Joaquin. Pagkatapos ay pinatay na niya ang kalan at kumawala sa pagkakayakap nito upang maghain na ng kanilang pagkain sa lamesa. Natatawa naman ang kanyang boss habang napipilitang nguyain ang laman ng kanyang bibig. Pagkalunok niyon ay tsaka lamang nito nakuhang magsalita habang nakasunod sa kanya. “Anong hindi? Anong tawag mo sa mga pagkain-kain natin sa labas at pag-aasikaso ko sa'yo?" tanong nito sa kanya habang tinutulungan siyang kumuha ng mga plato. "Nagpapasama ka lang sa'kin kumain 'di ba? Dahil sabi mo hindi ka maruno

