"Nasaan si rence?" tanong ko kay marko nung nadatnan ko sya sa kusina, pag gising ko kasi eh wala sa tabi ko yung anak ko. "kinuha sya ni mads kani'kanina lang, nag tatantrums daw kasi si lola dahil namimiss si rence" "Ang aga naman ni Mady. Hindi tuloy ako nakasama" "Mas gusto mo ba talaga silang makasama kaysa sa akin?" instead na sumagot eh tinalikuran ko nalang sya at pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig, gustong gusto ko kasi talagang uminom ng malamig kapag kagigising ko. At muntik ko na ngang naibuga yung ininom ko nung pagharap ko eh halos mabungggo na ako sa malapad nyang dibdib sa sobrang lapit nya. Hindi ko namalayan na sumunod pala sya saakin "Lumayo ka nga! Ang luwang luwang ng bahay mo eh" sita ko sakanya, inirapan ko pa sya. Pero nginitian nya lang ako "bakit naaaki

