Sa sobrang pagod ko sa byahe pagpasok ko sa kwarto kahapon nakatulog na ako agad. Hindi na din ako nakapag dinner kaya naman kumakalam na talaga ang tyan ko. Dumiretso ako sa kusina para i check kung anong pwedeng lutuin. "What are you cooking?" "Chicken Adobo" i said without looking at him, busy kaya ako dito. Gutom pa naman ako, baka sya makain ko. Hahaha charot "Yan lang ba talaga ang alam mong lutuin?" Narinig ko ang tunog ng upuan. Umupo na marahil ang hudyo at naghihintay nalang ng malalamon. Takam na takam siguro sa niluluto ko. Amoy palang kasi ulam na eh "Hindi naman. I can cook kilayin, menudo, asado, mechado etchetera. Pero sabi ni mama, Adobo daw ang pinaka masarap na niluluto ko" "Talaga ba?" Nangaasar na sabi nya, para bang hindi sya naniniwalang marunong talaga akong m

