Chapter 29 Anastasia's POV Maaga akong nagising dahil sa naamoy ko. Pabango ng lalaki, at alam kong kay Lemuel iyon. Subalit, wala na siya sa tabi ko. Kagabi, nauna na akong natulog sa kanya. Masyado pa kasi siyang abala sa kanyang trabaho at urgent pa iyon ayon sa nalaman ko. NAKAPANUMBABA at nag iisip ng magandang kakainin. Bago rin lang ako nahimasmasan sa aking pagkaduwal. Ang hirap ng sitwasyon ko. Gusto kong umiyak dahil sa aking paglilihi. Masyado naman ata ako pinapahirapan ng batang 'to sa loob ng aking tiyan. Nasaan na ba kasi ang Lemuel na iyon? Kanina pa umalis, hindi pa bumabalik. Naiinis na talaga ako sa kanya. Gusto ko siyang makita, mayakap at masampal. Pakiramdam ko iniwan niya na ako at sumama na sa ibang babae. Bwisit! Ang lalim ng iniisip ko sa kanya. Nasaan na ba

