Chapter 25 Anastasia's POV ANG sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog. Basta't ang alam ko ramdam ko ang sakit nang katawan ko at kailangan ko nang bumangon. Pagmulat ko ng aking mga mata tanging puting kisame, puting dingding at tahimik ang paligid. Huli ko na matanto na nasa pagamutan pala ako. Ito siguro ang dahilan kung ba't ako nandito sa puting kwarto. "Tasia, hija?" Napabaling ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng aking ina. Lumapit siya sa aking kama at saka sita ulit nagsalita. "Thanks God, gising ka na rin." Kumunot ang noo ko. "Dalawang araw kang tulog simula no'ng nawalan ka ng malay sa daan. At mabuti nalang andiyan si Monic para tulungan ka." Dalawang araw? Seryoso? Bigla kong naalala si Chloe. Asan na kaya ang babae ng 'yon? Nawalan ri

