Chapter 12 Lemuel's POV NAKAKABINGI ang sobrang tahimik niya. Kanina pa itong hindi nagsasalita at ayaw akong kausapin man lang simula ng umalis kami ng rest house ko. May nagawa ba akong masama sa kanya? "Are you okay?" Alanganin ko pang tanong sa kanya. Hindi niya man lang akong inatubiling sagutin. Nasa labas ng kotse ang kanyang paningin. Walang masama sa ginawa ko. Besides, ginusto naming pareho. Iyon nga lang, masyadong masakit sa puson dahil nabitin ako. Oo. Nabitin ako. Nabitin kami. Ugh! I wanted her. Pero...paano ko iyon magagawa kong nagka-emergency sa pamilya ko. Tinawagan ako ng pinsan kong si Livi na bumalik na sa amin. Nasa gitna ng kasarapan. Iwan ko ba bakit ura-urada ang pagpauwi samin. Nag-eenjoy pa ako to be honest sa samahan namin ni Tasia. 'Yon lang naaasar lan

