Chapter 20 Tasia's POV "WALANGHIYA! Bakit hindi mo agad sinabi sa amin? Alam mo bang, kami 'yong kinabahan sa ginawa mo? Ang buong akala namin nagbibiro ka lang. Akalain mo ba naman, dalawang milyong pesos 'yong binigay mong tseke sa kanya? I cannot." Ngumiti lang ako sabay tango. Mamaya ko na silang kausapin, gutom ako. Maya-maya ay dumating si Lemuel na may dalang drinks. Ang buong akala ko kasi kanina uuwi na talaga kami, pero nasurpresa ako ng niyaya niya ang mga katrabaho ko na kumain sa restaurant. Tumabi siya sa akin sabay lambing. Humaharot kahit pa nasa harapan namin sina Ann, Winie, at Gina. "Pfft...umayos ka nga diyan. Nasa publiko tayo, Lemuel." Nanghahalik kasi sa leeg. Hindi ba puwedeng maghintay pag uwi? "Ayeeiih!! Kinikilig kami. Kayo na talaga." Sabayang bigkas na n

