Bumalik ako sa clasroom namin pagkatapos mag-bell. Iniwan ko na sila doon. Kainis nga si Nicaela at pasimple pa daw umirap sakin. Psshh! Desidido akong sumama. Kahit masaktan man ako kaylangan kong sumama dahil ipapakita ko sa kanila na di ako naapektuhan. Nang makapasok ako sa classroom ay nag-iisang tao nalang ang naroon. Nang makita ko si Kyona sa lamesa ay tinawag ko siya. Nakadukmo siya sa lamesa niya at di ako pinansin. Tulog? Nilapitan ko siya at narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Nang tuloyan akong lumapit ay umupo ako sa tabi niya kung saan doon naman talaga ang upuan ko. Hinimas ko ang likod niya, "Kyona..anong nangyari?" tanong ko. Hinarap niya ako at mapupula ang mata niya at basa ang mukha niya. Umiyak siya? Bakit naman? Di kaya alam niya na ang sasabihin ko? Ma

