"H-hoy! Bitawan mo nga ako!" sabi ko at sinusubukang alisin ang kamay niyang nakahila sa kamay ko. Binitiwan niya ito ng makarating kami sa isang itim na sasakyan. Hindi ito porsche kaya di ko 'to kilala. "Sakay na." seryosong utos niya. Pumamewang ako, "Anong trip mo? Di mo ko utusan at higit sa lahat hindi mo 'ko girlfriend nu!" singhal ko. Sabihin ba namang girlfriend ako sa maraming tao? Nasisiraan naba siya ng ulo? Nakita naman niyang binully ako ng mga babae dahil kyla Zander at Dewlon na di umanong nilalandi ko daw tapos dadagdag pa siya. Bumuntong hininga siya, "Di totoo 'yun. Wala akong gusto sayo at hinding hindi kita gagawing girlfriend nu! Wala lang talagang choice." naiinis na sagot niya. "Aba't! Hoy! Hindi rin naman ako papayag na maging boyfriend ka! Hindi kita type nu

