Hingal na hingal kaming tumigil ni Dewlon sa isang park. Tumigil kami dahil malayo na ang aming natakbo. Bigla kong niyakap si Dewlon. Grabe sobrang nag-alala ako sa kaniya. "Akala ko masasaktan ka nila, Dewlon!" mangiyak-ngiyak kong sabi. Naramdaman ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya sa dibdib niya. Hingal na hingal kaming dalawa. Pero alam kong habang niyayakap ko siya ay hindi hingal ang dahilan ng pagtibok ng puso ko. Ang akala ko ay aalisin niya ang pagkakayap ko pero hindi niya ginawa. Ako nalang mismo ang kumalas sa pagyakap. Alam kong ayaw niya, pagod lang siya kaya wala siyang lakas alisin. "Sorry." sabi ko at napakagat labi at tumingin sa mga paa ko. Bigla naman niyang kinurot ang pisnge ko. "Araaaaay!" sabi ko. Yung pagkakurot niya sakin parang gigil na gigil si

