Sa kabila ng pangangantog ng binti ko ay nagawa ko pang tumakbo palayo sa kanila. Tinawag pa ako ni Zander pero hindi ko siya pinansin. Nagbabadya ang mga luha sa aking mukha. Kahit pinupunasan ko ay walang kwenta. Ang sakit! Ang sakit palang marinig galing mismo sa kaniya na sila na ni Nicaela. Parang habang sinasabi niya 'yun kanina ay parang sinaksak niya ako ng napakalaking kutsyilyo. Pumasok kaagad ako sa CR na namataan ko sa pagtakbo. Mabuti nalang at lahat ng estudyante ay nasa WHall para sa orientation. Pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa nakatakip na basin. Doon ako umiyak ng umiyak. Hinampas ko ang dibdib ko sa sobrang paninikip di ko na kasi kaya na para bang pag hinampas ko 'to ay titigil na ang pagkirot. Bakit ba ako umasa sa kaniya? Bakit!? Bakit ako umas

