"Bye, Ma'am!" sabay naming paalam kay Miss Kulimlim ng matapos kami sa pagkuha ng exam. "Hay salamat! Tapos na ang paghihirap ko!" sabi ni Migs at nagpaunat-unat pa ng kamay. Nagbuntong hininga si Kyona. "Sa palagay niyo ba makakapasa tayo? Haaay! Gusto ko talagang sumama sa field trip." sabi nito. "Sana nga! Kasi kaylangan ko talagang makapasa, eh." sabi ko. "Talagang talaga kasi baka pahirapan ka ni Nicaela sa maaring gusto niyang ipagawa sayo. Kaw naman kasi! Tinaggap tanggap mo yung deal niya sayo." sabi ni Kyona. Napabuntong hininga ako, "Tanga-tanga ko talaga! Baka gusto nya ring lubayan ko na si Dewlon." napakamot ako ng ulo. "Asan na ba si Dreena ko?" tanong ni Migs. "Nauna ng umuwi, nagtext sakin. Family gatherings daw." sabi ni Kyona. Bigla nalang may bumangga sa balikat

