Chapter 6
Isang araw pa lang kaming magkakilala ni Zander pero magaan na ang loob ko sa kaniya. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Haaaay.
"Marami ka palang alam tungkol sa pag-aalaga ng pasyente." sabi ko at ngumiti.
"Ah, hindi naman masyado. Nakakatuwa lang tumulong sa mga nangangailangan." sagot niya.
Humble pa!
Tumango-tango ako sa kaniya habang nakangiti. Sobrang gwapo talaga niya. Tapos makikita mo talaga sa kaniyang gustong gusto niya 'yung ginagawa niya.
Magkaibang-magkaiba sila ni Dewlon pero masasabi kong medyo pantay rin sila ng kagwapohan. Ang iba lang, maangas ang dating ni Dewlon.
Nandito parin ako sa clinic nila. Masyado akong naaliw dahil nagkakaroon ako ng interes sa ginagawa niyang paggamot sa pasyenteng kakilala niya na.
Niyaya niya kong magmeryenda sa little garden nila dito sa clinic. Doon ko napansin na katapat lang pala nito ang studio kung saan doon nagpa-practice si Jewel at nagsho-shoot.
Hindi ko pa nga lubos maintindihan kung ano at para saan ang shoot shoot na'yan at kung para saan kung bakit bakasyon palang nga nagpa-practice na siya. Dyahe 'yun.
"Ah, Zander para saan ang shinoshoot nila diyan sa tapat? Mga model ang nariyan diba?" tanong ko habang kumakain ng isang pirasong cake na hinanda niya at tinuro 'yung studio.
"Studio 'yan ng pinsan kong photographer. Mga teenagers na gustong makasali sa paliksahan kada middle year. Kung baguhan ka palang kailangan mong pumasa sa pagmomodel at ipopost nila sa CEBU'S TOP TEEN PRINCESS CANDIDATES." sagot niya.
"Ang dami mo palang alam, nu? Kilala mo ba si Nicaela Pe...pe—"
"Nicaela Pederon? Ah, she's my friend in school. Medyo, spoiled kaya masungit tsyaka mataray." sagot niya at bahagyang natawa.
Hmmm. Gaano naman niya kaya kakilala at mukhang kilalang kilala niya? Di kaya may something siya babaeng 'yun?
Tumawa naman ako, "Oo tama ka! Ang dami mong alam at kakilala. Tsyaka tama ka nga! Mataray siya pero hindi naman siya nagsusungit sa kakilala ko..." sagot ko at kaagad nanlumo.
Naalala ko ang pag-iwan nila sakin para makasakay lang 'yung Nicaela. Sana man lang kinausap muna ako ng maayos o kaya naman pinasakay muna ako ng taxi. Wala talagang pakialam sakin?
"Yun ba 'yung kaninang nakasakay sa motor bike?"
Tumango naman ako, "Kaya nga naiwan ako, eh. Wala na kasi akong space sa bike kasi umangkas siya." sabi ko.
"For sure type niya yung kasama mo. Ano mo ba sila? Bakit hinayaan ka nilang maiwan? Sigurado naman akong kalilipat niyo lang dito sa Cebu." sabi niya at ewan ko pero biglang nagbago ang aura niya.
Napapalakpak ako sa sinabi niya. Baka sakaling bumalik ang good aura niya.
"Wow! Ang galing mo naman! Alam na alam mo lahat! Ano kaba dito sa Cebu, Zander? Bakit parang kaming baguhan kilala mo pa?" manghang tanong ko.
Napatawa naman siya. Ayun! "Wag mo nalang alamin, Kirt. Teka, diba baguhan ka lang dito sa Cebu? Marunong kana bang umuwi sa inyo?" tanong niya habang bahagyang nakakunot ang noo.
Nasapo ko ang aking noo. "Oo nga pala! Hindi nga pala ako marunong umuwi!" sabi ko at napatayo sa pagkakaupo.
Hala! Hala! Hala!
Tumawa nanaman si Zander, "Dont worry, ihahatid kita. Antayin ko lang ang 5PM para makaalis na ako." sabi niya sabay sipat sa relos niya.
Tinignan ko 'yung orasan at 3PM pa lang. Hmmm, ayos lang naman kung dito muna ako kay Zander dahil magaan naman ang loob ko sa kaniya. Tapos good looking pa siya.
Pero sa kabilang banda, naiisip ko kung ano ang ginagawa nila Dewlon? Siguro masaya sila sa pamamasyal kasama si Nicaela.
"KUYA NURSE! KUYA NURSE!" biglang may pumasok sa gate na batang lalake sa likod niya na may dalawang lalake na may akay-akay na isa pang lalake.
Napatayo kami ni Zander, si Zander naman lumapit doon.
"Anong nangyari, Butsoy?" tanong ni Zander.
"Nabalian po ang kaibigan ko. Nagskate board po kasi kami sa plaza." sagot niya.
"Ah ganun ba? Tara. Ipasok niyo na sa loob." utos ni Zander.
Pinaupo niya sa upuan at hindi ko na po alam kung ano ang ginawa niya. Hinimas niya lang 'yung tuhod at ewan ko na.
May mga nagdatingang matatandang babae.
"Ahmm, Kirt? Pwede mo ba silang paupuin sa waiting area tapos bigyan ng kape?" pakiusap ni Zander. Tumango naman ako at nilapitan 'yung mga matatanda.
"Ah, Mga Lola. Sabi po sakin ni Zander doon na po kayo maghintay sa waiting area." sabi ko habang nakangiti.
Ngumiti naman sila, "Ikaw ba ang girlfriend ng Zander namin?" tanong ng isang matanda.
Umiling iling ako, "Nako! Hindi po." nakangiting tanggi ko.
Hindi ko nga alam kung kaibigan ba niya ako eh. Eh sa ngayon ko lang nakilala si Zander.
Hindi nila ako tinigilang kantyawan. Sinakyan ko naman ang mga biro nila at talaga namang nakaka-enjoy.
Nang makaupo na silang lahat sa waiting area ay lumapit naman ako sa gawaan ng kape. Medyo hindi pa ako marunong pero tinuruan ako ni Zander. Coffee maker ata kasi gamit nila eh yung samin, simpleng mainit at 3-in-1 solve na.
Napuno ng asaran na pinangunahan ni Butsoy ba 'yun sa loob ng clinic. Si Zander naman ay natutuwa pa.
"Uuuuyyy! Si Kuya Nurse may girlfriend na!!"
"Ayieeeeeeeeeh!"
"Aba, ngayon lang ata nagdala ng babae dito si Zander."
"Bagay na bagay sila!"
"Ano ba kayo. Magkaibigan lang kami ni Kirt. Diba Kirt?" sabi niya sabay tingin sakin.
"Oo nga po, magkaibigan lang kami." tumawa naman kami ni Zander. Pinanuod ko siyang gumawa ng coffee. Tapos nilagay namin sa isang cup na styro.
Ipinamigay ko na sa mga matanda habang si Zander ay chinicheck up na ang mga matatanda. May check up pala sila ngayong 3PM sa Dad ni Zander pero si Zander na daw ang bahala.
"Malusog pa po, Nanay." nakangiting sabi ni Zander sa matandang chinicheck up niya.
Maraming nagsipasukang pasyente. Mga babies tapos mga bata kasama ang mga Nanay nila. May mga tumutulong din kay Zander na mga totoong nurse pero parang si Zander ang doctor. Napaka-genius naman pala niya.
Kinarga ko pa nga ang baby dahil nahihirapan na ang Nanay niya. At aba, swerte naman at tumahimik agad sa akin. Ang saya saya lang talaga.
"Diba't maganda si Kirt? Bagay na bagay sila ni Zander." sabi naman nung matandang babae.
"Sayang naman at gusto ko sana ang apo ko ang makatuloyan ni Zander dahil napakabait na bata." sabi naman nung isang matanda.
Bigla namang kinuha sakin ni Butsoy ang bata. "Ako na Ate Kirt. Total, crush naman kita." sabi niya at ngumisi.
Tumawa naman ako, "Loko ka." sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Ate, magkaibigan lang ba talaga kayo ni Kuya Nurse? Kasi, ikaw pa lang nadala niya dito sa clinic."
"Pasyente niya rin ako. Nagkasugat kasi ako sa kamay kaya dinala niya ako sa clinic niya."
"Ah ganun ba? Si Kuya Nurse kasi sikat yan dito sa Cebu. Mabait tapos gwapo pa diba?" patanong niyang sinabi sabay turo kay Zander na abala sa mga pasyente.
"Oo, tama ka. Gwapo siya." nakangiting sagot ko.
So sikat pala siya sa Cebu. Yun ba ang ayaw niyang sabihin sakin? Humble talaga siya ano? Hindi nako magugulat kung sikat nga siya dahil sa gwapo ba naman niya? Di kalaunan alam kong sisikat din dito si Dewlon. Haaay.
Bigla namang may sumulpot sa usapan namin ni Butsoy, "Ang daldal mo talaga Butsoy. Ayan at susunod na ang baby nato." sabi ni Zander at kinarga na niya ang batang karga ni Butsoy.
Habang pinapanood ko si Zander sa likod nito habang buhat buhat ang baby kasama ang Nanay niya ay parang natunaw ang puso ko.
Sobrang bait niya talaga. Sobrang opposite talaga ang ugali niya at ugali ni Dewlon pero parehong genius at gwapo. Pero kahit papaano ay alam na alam kong may magandang side si Dewlon at 'yan ang gusto kong tuklasin.
Nakangiti parin ako habang kinakawayan ang mga matatandang pasyenteng umuuwi na.
"BYE PO! INGAT PO!" malakas kong sinabi sa kanila.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Zander kaya nilingon ko siya. "Alam mo, the more na sumisigaw ka, the more na nagiging cute ang boses mo." sabi ni Zander ng nakangiti.
Napangsuo naman ako, "Sabi nga ni Mama kung makasigaw daw ako parang dolphin. Hehehe!"
Tumawa naman siya, "Parang gano'n na nga, pero cute naman ang dolphin, hindi ba? Tara, hatid na kita." sabi niya at iginiya niya nako sa palabas ng gate.
Akala ko sasakay kami ng taxi ngunit pinatunog niya ang magarang na sasakyan sa harap namin. Mayroon pala siyang sasakyan. Kay bata bata pa ah?
"Wow! Ang ganda naman ng sasakyan mo. Anong klaseng sasakyan 'yan?" manghang tanong ko.
Napatawa nanaman siya, "It's a Black Porshe Carrera S. Alam mo ba 'yun?" tanong niya.
Umiling-iling ako, "Ahihihi! Sabi ko nga, hindi."
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya sa shotgun seat. Parang nahihiya pa akong ipatong ang paa ko sa sasakyan niya.
Hay nako, Kirt! Napaka-ignorante mo ano? First time sasakay, gano'n?
Pumasok na ako at sinara niya naman niya pagkatapos 'yung pintuan bago siya umikot papuntang sa driver's seat.
Pagtingin ko sa side mirror ng sasakyan niya ay parang may motor bike akong nakitang itim tapos naka-helmet pang pula.
Kumunot ang noo ko. Parang pamilyar. Di kaya si Dewlon 'yun?
Weeeh?
Di nga?
Asa pa kong binalikan ako ni Dewlon dahil nag-alala siya. Imposible talaga pero hindi parin ito mawala sa isip ko hanggang sa makarating kami sa gate kung saan pamilyar ako.
Nang makarating kami sa gate ay binati naman siya ng guard. Pati ba naman guard kilala siya?
"Sa Lamsa's Subdivision din ako nakatira, Kirt. I'm glad magkasubdivision tayo."sabi niya.
"P-Paano mo nalaman?"
Hala! Amazing talaga siya!
Natawa siya. "Sabihin na nating, mayro'n akong sinundan kaya ko nalaman."
WOW! Amazing talaga! Sino naman kaya ang sinundan niya? May kaibigan na pala akong malapit lang samin.
"Ahhh...So Zander, pwede bang bumisita sa inyo kung wala akong magawa sa bahay?" tanong ko.
Tumango siya, "Sure, Kirt. Pwedeng pwede."
Nagpahatid ako sa bahay namin. Actually, inikot pa namin lahat ng street bago makita ang bahay namin.
"Ayan, yan ang bahay namin. Pwede ka ring bumisita." sabi ko pagkababa ko ng sasakyan niya.
Tumango naman siya, "Oo naman, by the way can I have your number?" tanong niya.
Tumango ako, "Oo naman." sabi ko tapos ibinigay sa kaniya ang phone ko at inabot niya naman sakin ang phone niya.
Binalik niya na 'yung phone ko pagkatapos, pero ako hindi pa ko tapos.
"Tapos kana?" tanong niya.
"Ah, di ko kasi memorize yung number ko. Titignan ko pa sa phone ko. Hindi kasi ako magaling sa memorization. " napapahiyang sagot ko at napakamot sa batok.
Ngumisi lang siya. Nang matapos kong ilagay yung number ko sa phone niya ay nilagyan ko din ng name tapos binalik sa kaniya 'yung phone niya.
Tinignan niya 'yung phone niya at nakangiting bumaling sakin, "Kirt with smile emoticon?" patanong niyang sabi.
Tumango tango ako at kumaway, "Good night in advance!" sabi ko.
Kumaway naman siya, "Good night din sayo in advance, Kirt. I'm glad I met someone happy virus like you." sabi niya at ilang paalam pa bago siya tuloyang umalis.
Nakangiti parin ako habang papalayo na ang sasakyan niya. Ang gwapo naman talaga ni Zander! Kung wala siguro akong tama kay Dewlon ay kay Zander ako magkaka-crush!
"Mukhang masaya ka, ha?"
Halos mapatalon ako ng marinig ang mala-yelong boses nayun. Nilingon ko 'yung nagtanong at nagulat ako nang makita kung sino ang nagsalita.
Nakauwi na pala sila...
Biglang sumikip ang dibdib ko dahil naalala ko ang pag-iwan nila sakin.
"Tapos na pala kayong mamasya." nakangusong sabi ko.
Nakahalukipkip siya at kahit gano'n lang siya ay parang natambakan niya na ang kagwapuhan ni Zander. Ganoon siya ka angas! Ganoon ka lakas ang appeal niya sakin! Ammmp!
Lumapit siya sakin kaya naman parang naulol nanaman ang puso ko. Seryoso ang kaniyang mukha at tila galit ang kaniyang magagandang mata.
"You said you like me but you're flirting with other guys..." mariing sabi niya.
Nagulat ako ng mas ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Na halos mapapikit ako sa sobrang lapit. Naghuhumerentado nanaman ang puso ko dahil doon.
Hindi ko pa lubusang maintindihan ang english niya dahil masyadong mabilis at napakatigas ng accent.
Pero...bakit ang lapit niya? Hahalikan niya ba ako? OMG!
Ngunit biglang nawasak ang pag-asang hahalikan niya ako ng dumiretsyo ang labi niya sa tenga ko.
"You're a liar, stupid girl."