Bumuntong hininga ako at saka humarap sa kaniya. "Sorry, Jeiko. Pero hindi ako 'yung tipong basta-basta nalang sumusuko. Hangga't hindi sinasabi sakin ni Dewlon na hindi niya ako mahal, hindi ako susuko." determinadong sabi ko. Pero sa totoo lang? Deep inside masakit. "Kung sinasabi mo lang ang lahat ng ito sakin dahil gusto mo ko? Sorry kasi hin--" di ko pinatapos ang sasabihin ko ng napahampas siya sa lamesa. Napatingin ang mga tao samin. Napapitlag ako at ng makita ko ang itsyura niya ay kalmado lang siya. Halatang nagpipigil. "Hindi ko to sinasabi sayo dahil gusto kita." sabi niya sakin. Umiling-iling siya, "You know what? Hindi kita pipilitin. I just only want to enlighten you from the fact that he doesn't like you." sabi niya at padabog na tumayo. Tiningala ko siya, "Bakit

