Chapter 19 "What? Ano bang pinagsasabi mo, Damon?" sinubukan kong tumawa para kahit papaano ay mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Medyo awkward ang nangyari dahil seryoso pa rin ang mukha ni Damon. "I won't do that, Damon, nag tanong lang naman ako. Masyado kang seryoso." "Hindi naman kasi biro ang sinabi mo para hindi ako mag seryoso sa isasagot ko," agad na sambit nya. "Joke lang 'yon, okay?" I'm still trying to calm him. Napaka-hirap pakalmahin ng isang 'to. Nakaka-takot pa tumingin at sumagot. "That is not a good joke, Faith, at ayaw ko na uulitin mo 'yon." "Okay. I'm sorry." Niyakap ako ni Damon at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos nang naging usapan namin ay nagpaalam sya na aalis muna at syempre, kasama niya si Trevi. Tumambay muna ako sa kwarto ko at nag-isip

