Chapter 12 "Mr. Yoo," pormal na bati ni Jasper. Hindi tuloy mapigilang mapataas ang kilay ko. Magkakilala sila? Agad rin na nawala ang pagtataka ko sa na-realize. Sa bagay, parehas silang nasa business world, bagay na hindi na nakakapagtaka. Kilala si Damon sa larangan ng negosyo at ganoon rin ang pamilya ni Jasper Hindi nagsalita si Damon kaya nilingon ko sya, sa halip ay matalim ang tingin na ibinibigay niya kay Jasper. Uh, oh. What's wrong? May problema ba sa pagitan nila? Pa-simple ko sanang tatanggalin amg pagkaka-hawak ni Damon sa braso ko. Sinubukan ko iyong bawiin pero nabigo ako. "H-he's my friend," I said kahit wala namang nagtatanong. Sinusubukan ko na mapagaan ang pagitan ng lahat dahil may iba akong nararamdaman, hindi ko lang alam kung ano at hindi ko rin maipaliwanag

