Chapter 35 Naramdaman ko ang pagdating ni Bailey sa gilid ko na mukhang nagulat rin sa nakita. "Where have you been? Hindi ka naman nagpaalam sa amin kanina na aalis ka," it's Mama. I gulped as I felt my palms are starting to sweat. Binabalot na rin ng kaba ang buong sistema ko but I chose to ignore it. Matapang kong sinalubong ang mata ni Mama at Papa. Okay... This is it. I'm sorry, Dame, but I need to do this. Hindi pwede na ikaw lang ang lumalaban sa ating dalawa. I'm sorry. "Ma... Pa... sorry..." Kita ko na nagbago agad ang reaksyon ni Mama at nabigla ako sa tanong niya. "Bakit? Buntis ka?" Hindi agad ako naka-sagot sa tanong niya. Para tuloy akong sinampal ng reyalidad dahil sa naalala ko. Magtatapos na ang month na 'to pero hindi pa rin ako nagkakaroon. Agad akong napa-ilin

