CHAPTER 7

1955 Words
MICHAEL POV "SEÑORITO." Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mildred. "Heto na po ang yelo na pinakukuha n'yo." "Thank you." Pasalamat ko bago nilapatan ng yelo ang namamanhid kong pisngi. Nagtangis ang kalooban ko nang maalala kung gaano kasakit ang sampal ng babaeng iyon. Napapangiwi ako sa tuwing masasagi ng yelo ang parteng 'yon ng pisngi ko. Masakit. Mas lalong nadagdagan ang galit ko sa babaeng iyon. Siya na nga itong may atraso sa pamangkin ko, siya pa ang matapang. Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang--Ouch!" Napadaing ako at padabog na binitawan ang yelo. "Ano po ba'ng nangyari diyan sa pisngi mo, Señorito?" May pag-aalalang tanong ni Mildred. "That woman slapped me." Napasinghap ito. Tila hindi makapaniwala. "Kaunting-kaunti na lang at masasagad na ng babaeng 'yon ang pasensya ko. Mas lalo niyang inilalagay sa kapahamakan ang sarili niya. Huwag niyang subukang sagarin ang pagtitimpi ko. May hangganan ang lahat." Galit na sabi ko. Natahimik si Mildred. Nakatingin siya sa mga kamao kong nakakuyom. "Kapag wala ako, bantayan n'yong mabuti ang babaeng 'yon. Huwag na huwag ninyong hahayaang makatakas dahil hindi pa ako nagsisimula sa kaniya. Pagbabayaran pa niya ang sinapit ng pamangkin ko." Hindi sumagot si Mildred kaya tiningnan ko siya. "Nagkakaintindihan ba tayo, Mildred? Dito lang ang babaeng 'yon." "Opo, Señorito. Naiintindihan ko po ang gusto ninyong mangyari. Pero, Señorito, hindi po sa nanghihimasok ako. Ano po ba'ng plano n'yo sa kaniya? Kidnapping po ang ginawa n'yo at nag-aalala po ako na baka makulong kayo dahil dito--" "Walang makaaalam na nasa akin siya, unless mayro'ng isa sa inyo na magtraidor sa akin at tulungan ang babaeng 'yon." Nang-aarok ang tinging ipinukol ko kay Mildred. "Magagawa mo ba akong traydorin para sa babaeng iyon, Mildred?" "Hindi po! Sa inyo po ni Sir Mico ang loyalty ko. Hindi ko lang po maiwasang hindi mag-alala rin kay Keira, ilang araw na po siyang walang matinong kain, Señorito." "Gusto niyang mamatay sa gutom? Then let her be. Hindi ka dapat maawa sa ganoong klaseng tao, Mildred." Tumango ito. Mayamaya'y inutusan ko siyang ikuha pa ako ng yelo. "Thank you. Puwede ka ng magpahinga." Utos ko. Hindi siya kumilos para umalis. Nakatingin lang sa akin na tila may gustong sabihin. "Magpahinga ka na, Mildred." Utos ko muli. Hindi pa rin siya kumilos. "May gusto ka bang sabihin?" "Iniisip ko lang po na..." Nag-alangan itong ituloy ang sasabihin. "Na ano?" "Paano po kung hindi talaga siya ang Keira na kailangan n'yo? Sa tingin ko po kasi ay nagsasabi siya ng totoo--" huminto ito nang makitang dumilim ang mukha ko. "A-Ang ibig ko pong sabihin ay bakit parang hindi niya talaga kilala si Sir Mico?" "Walang magnanakaw ang aamin sa kasalanan niya, Mildred. Ang mga taong kagaya niya ay magaling magpaikot, mang-uto at mangmanipula. Ang mga taong kagaya niya ay daig pa ang artista sa galing umarte. Hindi ka dapat magpauto sa babaeng iyon. Hindi ka dapat maawa. Isa pa, kinumpirma na niyang siya si Keira, Mildred." Para maniwala siya, ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa picture na ipinakita ko sa babaeng iyon kanina. "Sorry po, Señorito." "It's okay. Isa lang ang hiling ko sa 'yo ang huwag magpadala sa drama niya. Doon siya magaling kaya nga nagawa niyang pakiutin si Mico, hindi ba? And please, huwag na huwag ninyong tutulungang makatakas ang babaeng 'yon sa bahay na ito." "Opo, Señorito, makakaasa po kayo sa akin. Hindi ko po siya tutulungan. Sa inyo ni Sir Mico ang loyalty ko." "Thank you, Mildred. Malaki ang tiwala ko sa inyong lahat dito na hindi sisirain ang tiwalang 'yon. Hindi kayo tauhan sa bahay na ito kundi pamilya namin ni Mico." "Alam po namin 'yan, Señorito. At salamat po dahil hindi n'yo kami itinuring na iba sa bahay na ito. Makaaasa po kayo na sa inyo ang loyalty namin." "Salamat." Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Mildred bago siya tuluyang umalis para magpahinga. Pumunta ako sa aking mini bar at uminom. Simula nang maaksidente si Mico at ma-coma ay alak na ang naging pampatulog ko sa gabi. Kapag walang alak, hindi ako makatulog dahil sa kaiisip at pag-aalala sa pamangkin ko na siyang tanging pamilya na mayro'n ako. Tanging pamilya na anumang oras ay puwedeng bawiin sa akin. I love her, Uncle Mike. She's my everything. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali para saktan niya ako nang ganito. I'll rather die than live without her. "Fvck! How could you, Mico?! Ano'ng mayro'n sa babaeng iyon para sirain mo ang buhay mo?" Nilukob ng matinding galit at poot ang dibdib ko. "She's not worth it! She's not fvcking worth it, Mico! Damnit!" Ilang beses kong pinagsusuntok ang lamesa. Nahulog ang baso sa sahig at nabasag. Hindi ko pinagkaabahalang pulutin. Naninikip ang dibdib ko sa galit, sa pag-aalala at sa takot na baka bukas paggising ko ay wala na si Mico. "Pvtangina naman, Mico, oh! Ang hina mo! Babae lang 'yon! Babae lang siya para tapusin mo ang buhay mo!" Marahas kong sinipa ang upuan. Hanggang ngayon, paulit-ulit ko pa ring naririnig ang iyak at mga huling sinabi ni Mico sa akin nang gabing tawagan niya ako bago siya maaksidente. Umiiyak. Paulit-ulit sinasabi na mas gusto na niyang mamatay kaysa ang mabuhay na wala ang babaeng 'yon. Paulit-ulit na sinasabi kung gaano niya kamahal. Paulit-ulit niyang sinambit ang pangalan ng babaeng iyon habang umiiyak. "Damn you, Keira! Sinira mo ang buhay ng pamangkin ko at sisiguraduhin kong magbabayad ka nang mahal! Pvtangina!" Parang puputok ang dibdib ko sa sobrang galit. Sunod-sunod kong tinungga ang alak mula sa bote. "Damn you, Keira! Damn you! Sigaw ko sabay bato ng bote sa kung saan. Lumikha iyon ng ingay dahilan para mapasugod si Leo kasunod si Orlan---mga tauhan ko. "Boss." Si Leo, pinakakalma ako. Habang si Orlan ay pinulot ang basag na bote at baso. "Lasing ka na, Boss. Tama na ang inom." Awat ni Leo nang kumuha pa ako ng isang bote ng alak at sunod-sunod na tinungga ang laman. Napangiwi ako nang gumuhit ang pait at init sa aking lalamunan. Mas'yadong mapait at matapang ang alak na nakuha ko. "Boss, tama na 'yan." Akma niyang aagawin ang bote, pero maagap kong nailayo sa kaniya sabay tungga. Kalahati pa ang laman niyon nang ihagis ko. "Orlan!" Malakas na sigaw ni Leo dahil muntik ng tamaan ang kasamahan niya ng lumipad na bote. "Muntik ka na ro'n, ah." "Muntik na talaga," ani ni Orlan nang makalapit sa amin ni Leo. Nang akma akong kukuha ulit ng maiinom, dalawa na silang umawat sa akin. "Boss, tama na ho." Si Orlan. "Mukhang nakarami na kayo." Binaklas ko ang mga kamay nilang nakahawak sa akin at sumuntok nang malakas sa pader. Ni hindi ako nakaramdam ng sakit sa ginawa ko. Mas nangingibabaw ang galit ko. "She's not fvcking worth it, Leo, Orlan. She's not fvcking worth it!" Sigaw ko. Paulit-ulit. "Yes, boss. Hindi siya worth it. Hindi worth it na ubusin n'yo ang lakas ninyo para sa babaeng iyon. Si Sir Mico muna ang intindihin mo, Boss. At si Keira, kami na muna ni Orlan ang bahala sa kaniya. Hindi siya makakatakas. Babantayan namin siya nang mabuti para sa 'yo, Boss." Pangako ni Leo na kahit papa'no ay nagpakalma sa akin. Sa ngayon, mga tauhang kagaya nila ang kailangan ko. Tiningnan ko silang dalawa. "Thank you." "Walang anuman, Boss." Si Orlan at pagkuwa'y pinakiusapan ako na magpahinga na muna dahil lasing na ako. Hindi na ako nakipagtalo at nagpatianod na lamang sa kanilang dalawa nang akayin ako patungo sa kuwarto ko. "Pahinga ka na, Boss." Narinig ko pang sabi ni Leo bago ako tuluyang tangayin ng antok. NASA KASARAPAN PA AKO ng pagtulog nang gulantangin ako ng sunod-sunod na tunog ng aking cell phone. "Hello?" Mabilis na sagot ko nang makitang ang nurse ni Mico ang tumawag. Biglang nawala ang antok ko nang marinig ang sinabi niyang nagkamalay na si Mico mula sa isang buwang pagkaka-coma. "Really?" Nanginig ang boses ko. "Oh, God!" Napaiyak ako nang kumpirmahin ng kausap ko na nagising na nga si Mico. "Oh, God! Thank you!" Kailangan n'yo raw pong pumunta ngayon dito sa hospital, Sir. Sabi ng nurse sa kabilang linya. Sunod-sunod akong tumango na animo'y nakikita niya. "Yeah, of course pupunta ako." Pagkatapos naming mag-usap, nagmadali na akong maligo at pagkuwa'y nagpaalam kay Mildred na aalis ako dahil gising na si Mico. Kagaya ko, tuwang-tuwa rin siya sa magandang balita na 'yon. Hindi na ako nagtagal at pumunta sa hospital kung nasaan ang pamangkin ko. Ang sayang nararamdaman ko habang patungo sa hospital kanina ay unti-unting naglaho nang pagdating ko roon ay makita kong tila nangangapa sa dilim si Mico at sumisigaw na wala siyang makita. Binalot ng matinding takot ang puso ko. Ilang minuto na tahimik kong pinagmasdan si Mico bago nagtatanong ang mga matang tumingin ako kay Warren. Ang kaibigan kong doktor na siyang nag-aalaga sa kalagayan ni Mico. What happened? Walang boses na tanong ko. "Let's talk outside." Mahinang sagot niya. Ayaw ko mang iwan si Mico ay napilitan akong sumunod kay Warren nang lumabas. Gusto kong malaman ang kalagayan ni Mico. "What happened, Warren? Bakit sinasabi niyang wala siyang makita? What's going on?" "I'm sorry, Mike, pare." "Sorry for what? Gising na siya, 'di ba? Dapat okay na siya. Iyon ang sabi mo sa akin, 'di ba?" Nagsimula nang tumaas ang boses ko. "Yeah." "So, what's going on?" Niyaya niya akong umupo, pero hindi ako umupo. "Warren, tell me, what's going on? Akala ko ba okay na siya kapag nagising mula sa pagkaka-coma? Sinabi mo 'yan sa akin noon, hindi ba?!" "I'm sorry, Pare, but I lied." "You what?" Bumuga ito ng hangin bago nagsalita. "I lied about Mico's condition." "What do you mean?" tanong ko sa mahinang boses. Na sa sobrang hina, hindi ko alam kung narinig pa niya. Mukhang narinig naman niya dahil nagsimula siyang magpaliwanag sa tunay na sitwasyon ng kalagayan ni Mico. Habang nakikinig, para akong unti-unting nabibingi at nawawalan ng kakayahang umintindi. Sa dami ng sinabi at ipinaliwanag niya about Mico's condition, isa lang ang tumatak sa utak ko. Iyon ay ang sinabi niyang dahil sa aksidente, nawalan ng kakayahang makakita si Mico. Na bulag na si Mico. "I'm sorry, Pare. I'm sorry kung hindi ko agad inamin at tinapat sa 'yo ang posibleng mangyari kay Mico dahil sa aksidenteng 'yon. Nakita ko kung paano ka nag-alala at nawalan ng pag-asa kaya nagsinungaling ako sa posibleng maging damage sa kan'ya ng aksiden--" "No! Hindi totoo 'yan, Warren!" Galit na kinuwelyuhan ko siya. "Hindi totoo 'yan! Hindi bulag ang pamangkin ko! Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!" Sigaw ko. Ngunit kahit ano'ng sigaw at pakiusap ko na bawiin niya ang sinabi tungkol kay Mico, hindi niya binawi. Tanging sorry lang ang paulit-ulit niyang sinabi. "Hindi bulag si Mico... Hindi siya bulag, Wareen, hindi..." Tila kandilang may ningas na unti-unting akong nauupos ng mga sandaling 'yon. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin na nawalan ng kakayahang makakita si Mico dahil sa pvtanginang aksidente na 'yon. Kasalanan mong lahat 'to, Keira! Kasalanan mo! Hiyaw ng utak ko. Kuyom ang mga kamaong bumalik ako sa silid ni Mico. At parang dinudurog ang puso ko nang makita itong nangangapa. "Mico..." Nangingilid ang luhang tawag ko sa kaniya. Natigilan siya. At pagkuwa'y tila naghahanap kung nasaan ako. "Uncle Mike? Uncle Mike, ikaw ba 'yan?" Tinakpan ko ang bibig ko, makailang ulit tumingala upang pigilan ang pagluha. Ang sakit. "Uncle Mike, ikaw ba 'yan? Nasaan ka? Puwede bang pakibukas ng ilaw? Ang dilim, eh. Wala akong makita, Uncle. Wala akong makita. Ang dilim." Doon na tuluyang kumawala ang mga luha ko. "Mico. God, I'm here. I'm here..." Awang-awang nilapitan ko siya at niyakap. "Uncle, turn on the light, please? Wala akong makita.. ang dilim, Uncle."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD