KEIRA POV BUONG akala ko dahil hindi ako mas'yadong nalasing kagabi ay gigising ako na maayos ang pakiramdam ngunit hindi pala. Dahil paggising ko, parang binibiyak sa sakit ang ulo ko. Nakapikit pang tinangka kong bumangon, ngunit muli akong bumalik sa pagkakahiga nang sumigid ang matinting kirot sa sintido. "Ang sakit ng ulo ko," daing ko, sapo ang sariling ulo. Minasahe ko nang minasahe ang sintido ko. Mayamaya'y natigilan ako. Naalala ko kasing sa sofa ako nakatulog. Bakit nasa kama na yata ako? Sa isiping 'yon, mabilis akong nagdilat ng mga mata. Kaagad kong iginala ang paningin sa paligid. Nasa kuwarto nga ako. "Paano ako napunta rito? Sa sofa ako humiga kagabi at," dahan-dahang bumaba sa katawan ko ang mga mata ko at, "ahh!" Malakas akong napatili nang makitang hubo't hu

