Jeel's Point Of View Walang magawa kaya nanunuod lang kami sa tv. Hays nakakatamad naman! Puro laban lang pwedeng mapanuod. Kung pwede lang siguro manuod ng ibang palabas dito e. Ang hihina kasi nung mga naghahamunan. Kapag ganitong walang magawa, mas masarap pang kumain e. Nakakamiss kumain ng mga fresh na hayop na nakikita namin sa kagubatan. Ang sarap pa naman ng fresh na katawan lalo yung malaman. Mas nakakabusog yung atay , yung bituka na parang spaghetti , yung mga hita na parang fried chicken at yung balat na makunat. Saraaap! ''Jeel, laway mo tumutulo'' napatingin ako kay Jap ng magsalita sya. ''Malamang nag-iisip nanaman yan ng pagkain'' sabi naman nitong babaeng ibon na 'to. Siguro may gusto 'to sakin. Lagi na lang napapansin mga kilos ko. ''Wag kayong magulo. E sa nagugut

