''Anong ginagawa natin dito? '' tanong ko. Nandito kami sa loob ng isang room. Hindi na ako gaanong nauutal pero natatakot parin ako. Kahit sino naman siguro e, ikaw kaya makakita ng taong humiwalay sa katawan nila at magbago ng anyo? ''Mag-antay ka lang dyan '' sagot nya. Ano bang inaantay? Halos maubos na laway ko rito kakalunok. Mas lalong tumatagal, lalo akong kinakabahan e. ''Cana! Nandito ka pala, kanina ka pa namin hinahanap ni Rufus '' biglang pumasok yung lalaki. Ito yung mukang lampa sa court e. Pero bakit parang iba na ang aura nya ngayon? ''Bakit? '' ''Kakain tayo'' masayang sabi nya. Kung tama ang pagkakaala ko, sya si Jeel? Jeel ata. ''Parang dumadalas a?" kung ano naman ang kinasaya nung Jeel, sya namang walang sigla netong si Cana. Sana man lang hinawaan nila ng en

