''Dre, bakit nag-eempake ka?" tanong ni Mike ng makita nya akong naglalagay ng gamit sa maleta ko. ''Maglalayas ka?'' napahinto si Harry sa paglalaro sa phone nya ng marinig si Mike. ''Oo. Hindi ko na kayang makasama kayong dalawa" kunwaring seryoso na sabi ko. Nakanaman! Parang nasa teleserye lang a! ''Seryoso bakit nga?" Uy bago 'to ah! Si Mike seryoso? Hindi nga? Nakakaiyak! Sa unang pagkakataon SERYOSO daw si Mike. Magpapa-canton ako! ''Lilipat na ako ng School'' sagot ko. Si Harry tuluyan ng binitawan yung phone nya at pinanuod ako. ''Ha? Bakit?" tanong nya. ''Saan ka lilipat kung lilipat ka man?'' tanong naman ni Mike. Ang dami namang tanong ng mga 'to - _- ''Sa M. Academy" sagot at patuloy pa rin sa pag aayos ng gamit ko. ''Sa M. ACADEMY ?! " Ay putik! Nakakagulat e.

