Kanina ko pa dinadial yung number ng dalawang kolokoy na yun pero kahit isa sa kanila wala man lang sumasagot. Tulog kaya sila? Kaso imposible naman, anong oras na e. "Asan na raw sila?" tanong ni Cana. Nakaupo na sila Rufus, kakatapos ko na ring umorder. Matagal pa kasi iseserve kaya iuna na naming umorder para pagdating nila Dre, kakain nalang kami agad. Pero yung dalawa hindi naman sumasagot. "Hindi sumasagot e" "Puntahan ko, gusto nyo?" tanong ni Rufus. Pwede rin, kaso dahil tapos na rin yung finals nila, baka madaming nasa labas. Mamaya may makakita pa sa kanya na bigla syang napupunta kung saan saan e. "Wag na. Ako nalang, malapit lang naman e" nakapaligid lang yung mga kainan dito sa labas ng MA at Hiragi kaya malapit lang talaga. Akala ko kasi sasagot agad sila s

