"Sama kami" sabi ni Harry. Tumambay kasi ako rito sa dorm nila pagkatapos kong iwan sila Cana run. Sabi ko kasi sa kanila na kailangan kong pumasok sa klase para makapagbonding naman silang pamilya. Kaso naisip ko na nandito na rin naman na ako sa Hiragi, puntahan ko nalang din ang dalawang kolokoy na ‘to. At oo, hindi ako pumasok. Hahaha. "Wala na ba kayong klase? Kayong bahala" sabi ko. Kampante na naman na ako na safe sila run. Natatawa na nga lang ako pag naaalala ko yung nakipaglaban ako kay Head Master. "Wala na. Patapos na finals e. Makikipaglaro muna kami sa inyo” sabi nila. Naglakad na kaming tatlo palabas ng Hiragi. Nakakamiss din pala ang ganito. “Naglalaro ba kayo ng ROS?" tanong ni Mike "Ano yun?" "Rules of survival. Ano ba naman yan, Dre! Labas labas din

