AIHARA'S POV Elementalers Grand Games? ... Lahat ng Academy ... Kahit ang Royal Academy na pinapasukan ng pinaka batang susunod na Reyna ng Homunibos ay kabilang. Hindi ako maaaring mapabilang sa larong ito. At ang isa pa ... kailangan kong umiwas sa mga lugar na mararami ang mga tao. "Ikaw ang Prinsipe na pilit hinahanap ang solusyon sa muling pagbabago at pagbangon ng Homunibos mula sa pagkabagsak mula sa pamumuno ng isang Reynang puno ng paghihiganti. Ikaw ang naghahanap sa taong nagtatago. Makikita mo siya sa araw na puno ng tao ang paligid niyo, lugar na napakaingay at lugar na puno ng Mahika. Malapit lang siya sa'yo, may dahilan siya kung bakit niya ito ginagawa ... makinig ka lang sa paliwanag niya. Ganun din ang payo ko sa'yo, Ruri" Maaaring ang Elementalers Grand Games a

