(*Althea Olivarez*) Napili kong suotin ang isang off shoulder pink dress. Pagbaba koy agad itong hinanap ng aking mga mata. Ewan ko kung pano ko pa ito patutunguhan after ng mga nangyari samin kagabi. I know it was my fault. Nakalimot ako at masyado akong nagpaalipin sa aking emosyon,at sa damdamin ko. I started to feel these unwanted feelings. At natatakot ako na bumalik sa dati. Pero, hindi pa nga ba ako bumabalik sa dati? Hindi ba nga't parang I'm again under his spell? Na kahit nga sa walang kasiguraduhan nagawa kong isuko ng buong puso ko ang aking sarili? May takot at pag aalinlangan man akong nararamdaman pero siguro pwede ko naman pagbigyan ang sarili ko... Ngayon lang to. Gusto kong lubos lubusin na.... Napangiti ako ng lihim nang maulanigan ko ito sa kusina. Pa

