(*Althea Olivarez*) Tamad akong napabangon sa aking higaan. Sinipat ko ang orasan na nakasabit sa dingding. Its almost 10am na pala. Kung hindi lang ako nakaramdam ng pagkalam ng sikmura at kung hindi ko lang iniisip na may maliit rin na nilalang ang nagugutom sa loob ng aking teyan ay mas pipiliin kong manatili sa pagkakahiga. Ilang buwan na akong ganito. Ngunit kung ikukumpara sa naunang tatlong buwan ng aking pagbubuntis ay mas maigi igi na ang aking pakiramdam. Napahipo ako sa aking maumbok nang tiyan at dahan dahang bumaba para pumunta sa kusina. Good morning my baby.... I murmured and smiled. Its been 4 months mula ng iwan ko ang France at bumalik dito sa Pilipinas. Umalis ako nang hindi man lang nagpapaalam. I was on a messed up situation at hindi na nakapag isip ng m

