7

1107 Words
Kian's POV Three days later. Andito ako sa balcony ng bahay. Nag iisip kung kamusta na si inchie at kung ano ng nangyari dito.. Tatlong araw na kasi ang lumipas mula ng mag away kami ni kaze sa restaurant kung saan naipit si Ichie sa alitan namin ni Kaze. Hanggang ngayon nga may pasa pa rin ang mukha ko ng suntukin ako ni kaze matapos niyang marïnig ang mga sinabi ko kay inchie. Flashback Prince hotel. ''Anong gusto mong palabasin ngayon Kian, na kung kaiĺan na kami kasal ni inchie saka mo pa ipipilit ang nararamdaman mo para sa kanya? Bakit hindi nung panahon na nasa altar palang kami ay ipinaglaban mo na siya? Bakit ngayon pa? ?Di ba parang nakakalalake ka naman ata sa ginagawa mo?'' sigaw ni kaze sa akin. Habang hawak hawak parin nito ang kamay ni inchie. alam kong nasasaktan si inchie sa pag haWak ni kaze sa kanya dahil napapangiwi ito. kaya tinignan ko ng masama si Kaze saka ko sinagot ang tinatanong niya. ''Oo kaze sabihin mo ng nakakalalake ako, pero nagsisïsi talaga ako na hinayaan ko na mapunta siya sa iyo, sana pala ay pinaglaban ko dahil hindi naman ikaw ang gusto niya kundi ako.'' sigaw ko kay kaze na tila ikinagalit lalo ng mukha nito. Doon ko nakitang nag galawan ang mga muscle nito sa panga. Maya-maya pa ay hindi kona napansin na pasuntok na pala ito sa akin, basta naramdaman ko nalang na tinamaan na ako sa mukha. na agad ko namang ikinasubsob sa sahig. nalasahan ko pa nga ang dugo sa mga labi ko, kaya naman agad akong tumayo at ng makabawi ako ay pinunasan ko ang labi ko at saka agad akong lumapit dito at sinuntok ko rin ito, hanggang sa magkarambulan na kami at marami ng umaawat kabilang na si Inchie na yumakap na sa akin habang pinipigilan akong suntukin si kaze. ''Tama na kian, 'wag na kayong mag away. Kaze ano ba? Tumigil kana.'' Sigaw ni Inchie kay Kaze kaya napatingin si Kaze kay Inchie.. Habang lumilipat din ang tingin nito sa akin. Bago nagsalitang muli. ''So Inchie nagsisi ka pala na nagpakasal ka sa akin ganun ba? Pwes pagsisihan mo na talaga habang buhay ang pagpapakasal mo sa akin dahil ngayon palang sinasabi ko na sa iyo, hindi tatahimik ang buhay mo, simula ngayong araw na ito.'' sigaw ulit ni Kaze habang nakatingin ng diretso sa akin. na parang sinasabi nitong dahil sa akin kaya sila nagkakagulo. ''Tumigil kana kaze wala ka naman dapat ipagkaganyan.'' sabi pa ni Inchie kay Kaze. ''Hindi ko balak magloko o kahit ang pumatol pa sa taong mahal ko, dahil kahit balibaligtarin ko man ang mundo, may asawa na ako,, at hindi na mababago ang katotohanang kasal na ako. Kaya sana tumigil kana..'' sigaw ni inchie kay Kaze, saka mabilis na tumakbo, palabas sa restaurant ng hotel. ''Inchie, saan ka pupunta?'' sigaw ko saka ko hinarap si Kaze. Na nakatingin lang sa dalagang lumabas. ''Pag may nangyaring hindi maganda kay Inchie ng dahil sa iyo, pinapangako ko, babawiin ko siya sayo kahit ano pang mangyari.'' sabi ko pero tinitigan lang ako nito saka ako tinalikuran. Nag init tuloy ang buong mukha ko dahil imbis na habulin nito si Ichie pumasok lang ito sa elevator para ata bumalik lang sa unit nila. ''Hoy hindi mo manlang ba hahabulin ang asawa mo? Kung ayaw mo ako nalang.'' pagkasabi ko non nakita kong lumingon sandali ito at saka muling tumalikod. Pero narinig ko ang huli nitong sinabi... ''Bahala ka. Wala akong pakielam sa babaeng yon.'' dinig na dinig kong sabi nito. Kaya naman pagkasabi niya non nagmadali na akong tumakbo palabas.upang hanapin si inchie. Pero kahit anong libot ko sa paligid wala na ito. Kaya naman pa balik na sana ako ng may mamataan ako sa isang gilid kung san may maliit na puno. ''Si inchie.'' bulong ko habang papalapit dito,, nakikita kong gumagalaw ang mga balikat nito.. Tanda na umiiyak ito dahil sa napangasawa nito. Kaya naman naikuyom ko ang mga kamay ko saka ako nag buntong hininga, bago lumapit dito. Pero bago yon, dumukot muna ako ng panyo sa bulsa ko bago ako lumapit at ibinigay dito.. ''Regrets?'' tanong ko. ''Para saan? Sa pagpapakasal ko o sa paghihintay ko noon na ipaglaban mo ako pero hindi nangyari?'' sabi ko.. ''Hinayaan mo ako kian, alam mong mahal kita noon pa, 'di na bago sa iyo 'yon, pero bakit hinayaan mo ako na makasal sa kanya?'' sabi ulit nito, na ikinayuko ko lang at walang nasabi. Tama naman kasi ito, hinayaan ko lang siya, tapos ngayon mag hahabol ako dito. ''Ngayon tatanungin mo ako'? Sabi ni inchie sa akin habang umiiyak, kaya naman lumapit na lang ako dito saka ko ito kinabig payakap sa akin kasalanan ko talaga ito. Natakot ako ipaglaban ang nararamdaman ko ngayon nahihirapan ang taong mahal ko pero wala akong magawa para dito. ''Im sorry Inchie, 'yon lang ang tangi ko kong nasabi. At ang tangi ko lang magagawa ngayon sa iyo ay ang yakapin ka at pagaanin ang nararamdaman mong sakit..'' sabi ko dito habang yakap yakap ko ito. '' Pero pangako gagawa ako ng paraan para maging masaya kana ulit.'' sabi ko ulit saka ko siya lalong niyakap. Nasa ganun akong pag iisip ng may kumatok sa kwarto ko. Kaya lumingon ako at pumasok sa loob para buksan ang pinto. ''Sino yan!'' tanong ko. ''Sir. yung mga barkada n'yo po nasa baba. Sabi nito saka ko binuksan ang pinto. ''ganun po ba? Sige salamat manang. Paki sabi nalang po baba na ako, mag aayos lang ako sandali.'' sabï ko saka ko muling sinarado ang pinto upang makapag ayos ako ng sarili ko. nang biglang tumunog ang cellphone ko. At ng tignan ko ang screen Number lang, kaya naman agad ko iyoNg sinagot, pero 'di pa ako nakakapag salita narinig kona itong nagsalita. ''kian mag usap tayo. ''Sabi ng nasa kabilang linya. ''Sino ba ito.'' Tanong ko naman ''Kaze''. Sabi lang nito, saka niya sinabi ang lugar ng pagkikitaan naming dalawa. 'Yun lang at pinatay na nito ang cellphone. ''Sira ulo ang lakas naman ng loob mong utusan ako.'' iritang sabi ko, saka ako lumabas ng kwarto upang puntahan na ang mga kaibigan ko na nasa ibaba. May mga dala itong mga beer at pulutan. At dahil hindi maganda ang araw ko ay naparami ang inom ko ng beer at kahit anong awat sa akin ng mga kaibigan ko ay sumigï lang ako sa pag inum hanggang sa nakatulog na ako sa sobrang kalasingan. Nagising na lang akong plakda ang lahat ng mga kaibigan ko sa sala. Habang hawak-hawak ko ang buhok ko na bahagyang kumikirot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD