Tulala si Dylan habang nakatitig sa malaking picture ni Audrey na nakasabit sa kanyang study room. Hindi niya mawari kung ano ang nagawa niyang pagkakamali at bigla na naman siyang hindi kinibo ng dalaga. Batid niyang trinato niya ito ng maayos at parang prinsesa kaya imposibleng lalayoo ito sa kanya ng ganoon na lang at walang mabigat na dahilan. Sinubukan niya itong tawagan at kausapin ngunit naging mailap ito. Ni hindi ito lumalabas ng crib kaya hindi niya rin ito makadaupang-palad. At sa ilang araw na hindi niya narinig ang boses ng dalaga ay para siyang mababaliw. Hindi niya kaya na matapos na naman ang isang araw na hindi niya muling nasisilayan ang magandang dilag sa malapitan. Pumunta siya sa kanyang opisina at tiningnan ang video footage ng dalaga sa kwarto nito. Buti na lamang t

