Hindi mapakali si Crystal sa kanyang apartment, ilang beses na kasi niyang tinangkang tawagan ang nobyo ngunit hindi ito sumasagot. Kahit sa mga messages niya ay wala itong reply, kinakabahan tuloy siya na baka sobrang seryoso ng pinagdadaanan ng mga ito. Hinanap niya ang f*******: account ng mga kapatid nito para sana mag stalk ngunit mukhang naka-deactivate na sina Audrey at Agatha. Si Austin naman ay tanging ang messenger na lang nito ang existing. Maging ang ibang social media account ng magkakapatid ay wala na rin. Kinakabahan na tuloy siya. Nagulantang pa siya ng tumunog ang kanyang cellphone, akala niya ay si Austin ang caller ngunit nadismaya siya nang makita na si Anton pala ito. "What?" medyo iritable niyang sagot. "What's with the voice? Are you mad that I called you?" usisa n

