Kinabukasan maaga kami na gising ni Jeff para ihatid si Daniel sa school nito. “Good morning love." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa leeg. " Good morning love, ano ka ba hindi pa ako liligo at ang asim ng amoy ko. Ang mabuti pa umupo ka na para makakain na tayo.” lumayo ako sa kanya at nilagay sa mesa ang nilutong kong bacon, hotdog at itlog. “Hindi pa ba gising ang anak natin?" Umupo na siya sa mesa at nag sandok ng sinangag. “Tulog pa. Bakit hindi ka pa naligo?" Tanong ko at umupo sa tabi niya. " Hindi ako papasok ngayon, babawi ako sa inyo ng anak natin. Ihahatid ko siya at ako din ang susundo sa kanya mamaya.” Ngumiti siya sa akin. Bigla naman nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Gusto ko tuloy siyang pugpugin ng halik sa mukha. Pero hindi din ako nakatiis kaya tumayo

