Tinignan ako ni Jeffrey at winawari ang aking sinabi sa kanya. Ngumiti ako ng mapakla sa kanya, alam ko naman ang sagot eh, pero sinubukan ko pa rin itanong sa kanya. Yumuko at pasimpleng pinunasan ang aking luha. "Wag mo na sagutin, alam ko naman ang sagot kaya dapat hindi na ako nag tanong pa sayo." Saad ko at ngumiti ng bahagya sa kanya. " Come here. " Aniya sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Napanguso akong umupo sa kanyang kandungan at kumapit sa leeg niya. "Hindi lahat ng nagsasabing sayo ng I love you, ay totoong mahal ka at hindi lahat ng tao na hindi nagsasabi sayo ng katagang yun ay hindi ka na mahal. Lagi mong tatandaan MJ, na kadalasan ng lason ay nanggagaling sa dila ng kung sino man. Kung mayroon ka mang dapat paniwalaan, iyon ay ang nararamdaman at ang nakikita nit

