JEFF POV "Baby.." bulong ko kay MJ habang tulog ito. Hinalik halikan ko ang balikat niya papunta sa kanya leeg hanggang sa likod ng kanyang tenga kung saan ang kanyang kiliti. "Hmm… " ungol niya. Gumalaw siya at humarap sa akin saka yumakap sa bewang ko "Baby gising na." Sambit ko at hinalikan siya sa labi pero nanatili pa rin nakapikit ang kanyang mata. Alas 10 na ng umaga at ngayon ang araw para bumalik kami sa Manila. Ngayon ang araw na babalik kami sa totoong realidad ng mundo namin. Pinag masdan ko ang maganda niyang mukha at hinaplos ang tungki ng ilong niya pati ang pamula pulang niyang labi. Masaya ako na kasama ko si Mary Joy at kung pwede lang na mapigilan ko ang oras para lang makasama ang babae ay ginawa ko na. "Sana masasabi mo pa rin na mahal mo ako kapag natuklasan mo a

